Nianna's POV
"Congrats, Nianna! May sarili ka nang condo!" masayang sigaw ni Mara habang itinataas ang hawak niyang baso.
Napangiti ako at agad ding itinaas ang akin. "Salamat! Kaya cheers!"
"Para sa bagong condo ni Nianna!" dagdag pa ni Mara.
"At para sa bagong promotion ni Mara!" sabat naman ni Lucas.
"Cheers!" sabay-sabay naming sigaw.
Nagtagpo ang aming mga baso at muling umalingawngaw ang tawanan sa buong mesa.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanila. Sa wakas, natupad din ang isa sa pinakamalaking pangarap ko. Ilang taon akong nag-ipon, nag-overtime, at nagtiis sa maliit na apartment para lang makarating sa puntong ito.
May sarili na akong condo. May sarili na akong lugar. At wala nang landlord na mangungulit tuwing katapusan ng buwan.
Sa sobrang saya ko, hindi ko napansin na sunod-sunod na pala ang nainom kong alak, hanggang sa unti-unti nang umiikot ang paligid.
Bandang hatinggabi ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko.
"Sure ka bang kaya mo pa?" tanong ni Mara habang nakakunot ang noo.
"Ako pa?" itinuro ko ang sarili ko at napatawa. "Kayang-kaya ko. Limang minutong lakad lang ang condo ko."
Nagkatinginan sina Mara at Lucas, parang hindi sila kumbinsido. Pero hindi ko na sila pinansin at kusa akong umalis.
Matanda na ako, independent woman na rin, at higit sa lahat may condo na rin ako. Ano ba ang posibleng mangyari?
Habang naglalakad papunta sa lobby ng condominium building, napahawak ako sa ulo ko. Grabe... parang umiikot ang buong mundo. Makakauwi pa kaya ako nang maayos?
Napahinto ako nang may magsalita. "Ma'am?"
Lumingon ako at nakita ang guard na nakatingin sa akin. "Parang lasing na lasing na po yata kayo."
Napanguso ako. "Naku, Kuya, hindi pa ako lasing." Itinaas ko ang isang daliri. "Medyo masaya lang."
Napailing ang guard. "Sigurado po ba kayo?"
"Oo naman!" Sabay turo ko sa itaas ng building. "Tingnan mo. Nakauwi pa nga ako sa bago kong condo."
Napatawa ang guard. "Sige po, Ma'am. Mag-ingat na lang kayo."
"Don't worry!" Kumaway pa ako bago tuluyang tumalikod. Hindi ko napansin ang pag-aalalang nakaguhit sa mukha niya.
Diretso akong pumasok sa lobby at tumungo sa elevator. Pagkapindot ko ng button, bumukas agad ang pinto. Pumasok ako sa loob habang pilit na nilalabanan ang antok. Maya-maya lang ay sumara na ito.
Pagkabukas ng elevator, agad akong lumabas. Sa sobrang antok at hilo, hindi ko na napansin kung tama ba ang floor na napuntahan ko. Ang nasa isip ko lang ay ang malambot kong kama na kanina ko pa gustong higaan.
Pagdating ko sa harap ng unit, mabilis kong pinihit ang door handle. Nang bumukas ang pinto, napangiti pa ako. "Buti na lang hindi ko nakalimutang i-unlock."
Diretso akong pumasok at isinara ang pinto sa likod ko. Madilim ang buong paligid, pero wala na akong pakialam dahil pagod na pagod na ako.
Halos hindi na diretso ang lakad ko habang papunta sa kwarto. Pagdating ko roon, agad kong ibinagsak ang bag ko sa sahig.
"Bukas na lang ako maliligo..." antok kong bulong sa sarili.
Dahil sanay akong magbawas ng suot bago matulog, mabilis kong hinubad ang ilan sa mga damit ko at basta na lamang itinapon sa malapit na upuan. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kama.
Pagkahiga ko, agad kong niyakap ang makapal na comforter at napapikit. "Grabe..."
Napangiti ako habang isinisiksik ang sarili sa malambot na higaan. "Ang lambot naman ng kama ko."
Mas mabango rin ito kaysa sa luma kong comforter. Pero dahil sa sobrang antok, hindi ko na iyon pinag-isipan pa. Pakiramdam ko ay unti-unting lumulubog ang katawan ko sa lambot ng kutson.
Ilang segundo lang ang lumipas, tuluyan na akong dinalaw ng antok. At wala akong ideya na hindi pala iyon ang kama ko.
Carlo's POV
1:00am na ng madaling araw nang makauwi ako. Masakit ang ulo ko at pagod na pagod ang katawan ko mula sa sunod-sunod na meetings, pero may bahagi sa akin na excited.
Bago kasi matapos ang shift ko, nag-text ang girlfriend kong si Sophia. Sabi niya, dinalaw niya ako at hihintayin niya ako sa bago kong condo unit.
Mukhang tulog na siguro 'yun sa sobrang tagal ko, sabi ng utak ko habang naglalakad sa hallway.
Pero bahala na. Ang mahalaga, narito siya para dalawin ako. Pagdating ko sa tapat ng pinto, pinihit ko ang handle at dahil alam kong pumasok siya, hindi na ako nagulat na hindi ito naka-lock. Pumasok ako sa loob.
Tulad ng inaasahan ko, madilim at tahimik ang buong paligid. Hindi ko na binuksan ang ilaw sa sala at diretso na akong pumasok sa kwarto para hindi siya magising sa liwanag.
Doon, naaninag ko ang porma ng isang tao sa ilalim ng makapal na comforter. Napangiti ako nang bahagya. Dumating nga siya.
Sa sobrang pagod ko, mabilis kong hinubad ang suit jacket at pantalon ko hanggang sa maiwan ang underwear ko. Sumampa ako sa kama at agad ko siyang niyakap mula sa likod at hinalikan sa leeg.
Bahagya siyang umungol pero hindi nagising, marahil ay sa pagod din. Pero habang nakayakap ako sa kanya, napansin kong parang mas sexy siya ngayon. Kakaiba rin ang bango niya—hindi ang karaniwang mamahaling pabango na ginagamit niya, kundi isang mas matamis at nakakahumaling na amoy.
Biglang uminit ang buong katawan ko. Nadala ng alak, pagod, at ng sabik na makasama siya, hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari. Nilamon kami ng kakaibang init sa gitna ng dilim hanggang sa pareho kaming tuluyang nakatulog sa sobrang pagod.
Wala akong kaalam-alam, na ang babaeng katabi ko ngayon... ay hindi ang girlfriend ko.