Nianna’s POV Hanggang ngayon, hindi pa rin talaga ako nakakamove-on sa ginawa ni Sir Carlo kanina. ’Yung bigla niya akong hihilahin papalapit sa may gripo para lang hugasan at palamigin ang napaso kong kamay... grabe. Sobrang gentleman niya palang tao. Pangalawang beses niya na ’tong ginawa sa akin—una ’yung sa elevator, at ngayon naman, dito mismo sa loob ng unit niya. Kasabay ng pag-iisip ko sa eksenang ’yun ang mga tanong niya habang kumakain kami. Buti na lang talaga at nasarapan siya sa luto ko, kahit paano nabawasan ang kaba ko. Pero sa totoo lang? Hindi ko talaga maiwasang kiligin nang patago. Ang problema nga lang, mas nangingibabaw pa rin ang hiya ko. Bigla namang naputol ang pagiging lutang ko nang bumukas ang pinto. Sino kaya 'yung bisita niya? Awtomatiko akong umayos ng up

