*FlashBack*
~Father to son~
[Janna's Father]
Buo na ang Desisyon ni Jake na sundan si Janna sa Korea
At Napag desisyunan nya na sumabay sa Tatay ni janna
Dahil nasabi nga ng Guardya nina janna
na susunod na lang ang tatay nito at Andito pa sa Pilipinas ang Tatay ni janna
wala na namang Magawa sina anthon Kundi suportahan na Lang si jake dahil Buo na ang desisyon nito
Alam naman nila na kapag Buo na ang desisyon ni Jake
Hindi na Ito Mapipigilan
Kaya ng Sinabi ni Jake na Buo na ang desisyon ny
Agad itong Umalis ng Bahay nina Anthon
at Ngayon nasa Harapan na sya ng bahay nina janna
"Andyan si Papa?"
Tanong ni Jake sa Guardya
Papa ang tawag ni Jake sa Tatay ni janna
dahil ito ang gustong Ipatawag sa kanya
"Oo sir jake nasa Garden pasok po kayo"
Habang Binubuksan ng Guardya ang Pintuan
Kumakabog ang dibdib ni Jake
Hindi nya alam ang Iniisip ng papa ni Janna
dahil close na close si jake at ang tatay ni janna
Nangako si jake na hinding hindi sasaktan si Janna
Pero eto sya ngayon
Nahihiya dahil nasaktan na nya si Janna ng sobra
Nag lakad na si jake patungo sa Garden
at naabutan nya dun ang Papa ni janna
na naka Upo sa Isang Upuan at nag babasa Ng Dyaryo
Ng Mapansin ng tatay ni Janna si Jake
Agad naman itong Napatayo
"Jake, anak, Napadalaw ka Halika Upo ka"
Anyaya Naman ng tatay ni Janna kay jake
Umupo naman si Jake sa Upuan na katapat ng kinauupuan ng Tatay ni janna
"May Kailangan ka anak? Ano bang rason at Naparito ka?"
sambit nito
Sumeryoso naman ang Muka ni Jake
"papa, Tungkol sana kay janna"
Paliwanag ni Jake
"Oh? Anong Tungkol kay Janna Anak? "
Tanong ng tatay ni Janna
"Papa, alam kong Alam Nyo ang Nangyare, At Hindi ko Deserve ang Ganyang trato ninyo sa akin"
Paliwanag ni Jake
na halatang naiilang
Tumawa naman ang tatay ni janna
"HAHAHA! anak, Oo alam ko, Pero hindi ibig sabihin nun eh mag babago ang trato ko sayo, Ikaw parin ang jake na Nakilala ko, at Ang problema nyo ng anak ko ay Problema nyo, Hindi natin problema, Alam kong tatay ako, at masakit sakin
na nakikita na umiiyak ang anak ko, Pero alam ko, Naniniwala ako Maayos nyo ang lahat,"
Paliwanag ng tatay ni Janna
"o? ano anak? anong tungkol Kay janna?"
dag dag pa ng tatay ni janna
"Gusto ko pong sumabay sa inyo papuntang Korea, Gusto kong sumunod kay janna"
Paliwanag ni Jake
Ang naka ngiting Muka ng tatay ni Janna ay Nag iba at Naging seryoso
inilapit ang upuan nya sa Upuan ni Jake
"Anak, Mahal ko kayo parehas ni janna, Ikaw oo Dahil ikaw ang gusto ko Para sa kanya, Pero Sana wag mong isipin na nanghihimasok ako, Mas makakabuti na Pabayaan Mo nalang muna sya at Hayaan na makapag isip mas makakatulong Yun, Mas lalo ka nyang hindi mapapatawad kung kukulitin mo lang sya, Dahil ang tanging hiniling nya lang sayo, ay gusto nyang mapag isa, Gusto nya ng space sa kung anong meron sa inyong dalawa, "
Paliwanag ng tatay ni janna
pero hindi parin nag papatinag si jake
"Pero papa"
Itutuloy pa sana ni Jake ng Putulin ito ng tatay ni janna
"Gusto nya lang Mapag isa, At Lumayo sayo, Dahil nasasaktan sya,kung ayaw mo syang masaktan, wag mo muna syang Lapitan, Dahil Alam ko mapapatawad ka din nya at darating din ang panahon na yun, at sana wag mong basagin ang hiling nya na mapag isa dahil hindi nya yun hihilingin kung Hindi sya nasasaktan sa nangyare sa inyong dalawa"
Ang buong pag katao ni Jake ay Parang naliwanagan sa paliwanag ng tatay ni janna
tumingin si Jake ng seryoso dito
"Siguro nga papa, Dapat Hayaan ko muna sya"