AN - Hey Guys!
Paki Noted Na Mahabang Chapter Ang Chapter 2 Salamat
Please Vote and Comment
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Pag Litaw Ng araw sa San Vicente
ay Pag Umpisa Ng sakit ng Ulo ni Heaven
"Aray ko!" Habang Hinihipo ni Heaven Ang Kanyang Ulo
at napatingin siya sa Orasan "Ang Aga Pa pala tsk! MANANG!"
tawag ni Heaven sa kanilang Matandang Katulong
Unti Unti namang Bumukas ang Pinto Ng kanyang Kwarto
At Sa halip na Ang Matandang Katulong Ang Pumasok ay ang Kanyang Kuya Roberto
"BreakFast in bed?"
Tanong ng Kuya Roberto Nya Na May dala dalang Isang Tray ng Pag kain "Pinag Luto kita Ng sopas at May kasamang Gatas"
Nakangiting sabi ni Kuya Roberto
"Come on Kuya! Your Treating Me like im 5 Years old!"
Pag mamaktol Naman ni Heaven Na Lagi Nalang Galit Kapag Naglalambing ang Kuya Nya
"Sana Nga 5 Years Old Ka Nalang,At bumalik Ka sa Pag Kabata Ng Hindi Ganyan Na Gabi Gabi Kanalang Lasing! kainin mo yan!"
At Lumabas na Ng kwarto si Roberto
"Problema nun!"
Sambit Naman ni Heaven
Kinain na ni Heaven ang Sopas na Hinanda ng Kuya Roberto nya at
Ininum na ang Gatas
Matapos Nyang Kumain
ay Dinala Na nya sa Kusina
ang Kanyang Pinag Kainan
"Manang Anong Oras ako Umuwi kagabi?" Tanong ni Heaven sa Matandang Katulong Na Nag huhugas ng Pinggan
"Alas dos po Ng Madaling araw Maam heaven" Sagot Naman ng Matanda
"Alam ba ni kuya?" Sunod Na Tanong Ni Heaven
"Opo sya po ang Sumalubong sa Inyo sa Gate na Nag aalala, Sya din po ang nag Linis ng Mga Svka nyo dahil sa Lasing Na Lasing kayo" Paliwanag naman ng Matandang Katulong
"Kaya Pala Galit Na Galit ang Mokong Na yun"
Sambit ni Heaven at agad Umakyat Ng hagdan At Nag Tunggo sa Kwarto Ng Kanyang Kuya Roberto
"Anong Minamaktol Ng kuya ko"
Sambit ni Heaven ng Makapasok na sya sa Kwarto ng Nakatatandang Kapatid
"Heaven ,Sa Tingin mo Natutuwa sina Mama At papa sa Ginagawa mo? Halos Gabi Gabi Kanang Ganyan si----" Hindi na Pinatapos ni Heaven ang Kanyang kuya
sa Pag sasalita
"Hindi sya ang Dahilan" Depensa naman ni Heaven sa Kanyang kuya Roberto
"Kung Hindi sya Edi bakit Nag KakaGanyan Ka?"
Tanong Ng kuya Roberto nya
"Kuya Ilang beses ko bang sasabihin Lahat Ng Tao Nag babago, Isama mo na din ako sa Mga taong Nag babago Na yun,"
Lumapit si Heaven sa Kanyang Kuya
"Kaya ko Ang Sarili ko Hihingi ako Ng Tulong Kung Hindi Ko Na Kaya, para namang Hindi moko kilala eh gabi gabi nanghihingi ako ng Tulong sayo sa Pag pupunas ng sVka ko "
Napatawa naman ng Bahagya si Roberto
"osi---" Hindi na naituLoy ni Roberto Ng Biglang May Kumatok sa Pinto "Pasok Bukas yan!"
Pahintulot Ni Roberto sa Kumatok
Agad namang Bumukas ang Pinto
At si Manang Na Katulong nila
"Andyan po sa Labas si Maam Ellena Hinahanap po si Maam Heaven"
Agad namang Napatayo si Heaven
At nag paalam na sa Kanyang Kuya
"alis nako kuya andyan pala si ellena"
paalam ni Heaven
"Mag iingat ka" bilin ni roberto sa kapatid
Dali Dali namang Napatakbo si Heaven sa May Gate Para salubungin si Ellena
"Anong Meron? Bakit Napadpad Ka dito?" Tanong Naman ni Heaven Kay Ellena
"Kailangan Natin Mag usap"
Seryosong Sagot ni Ellena sa Kaibigan "Bakit parang kinakabahan ako sa Sasabihin mo?"pabirong sabi Ni heaven
kay ellena
"Malalaman mo din, di mo bako papapasukin!" Pag iinarte ni ellena
"Tara" At Nag Lakad na ang Dalawa
Papasok Ng bahay nina heaven
Ng Makarating sila sa Salas ng Bahay
"Upo ka ano ba kasi Yun ha!"
anyaya naman ni Heaven Na May kasamang Pag tatanong dahil
Nahihiwagaan na sya sa kinikilos ng Kaibigan
"Bumalik na sya"
wala naman sa emosyon na sinabi ni ellena
"huh? bwesit kang babae ka! sino ba yang bumalik na yan! at wala naman akong paki! nantitrip ka nanaman!"
maasar asar na sagot ni heaven
"Hard mo, what I mean is! bumalik na si angelo!" Pagpapaliwanag ni ellena
"oh wala ka parin bang pakialam?"
tanong ni ellena
nanlaki naman ang Mga mata ni Heaven
"wag kanga! Hindi na Yun babalik dito! Mas pinili na nya ang Buhay nya sa maynila! kasama yung pangarap nya!"
hindi makapaniwalang sabi ni heaven
nasa isip nya lang
ay hindi na babalik pa kahit kailan dito sa san vicente si angelo
"Ikaw! Kung ayaw mong maniwala ako kitang kita ng dalawa kung Mata! na hinahanap ka nya sakin!"
Pag mamalaki ni ellena
"alam mo ikaw nananaginip ka nanaman, may graham cake dyan sa Ref kumain ka sa kusina" anyaya ni Heaven kay ellena
Tumayo naman si ellena
at Nag tunggo sa Kusina
Natulala Bigla si Heaven
Nabuhay Muli sa puso nya ang Galit kay angelo
Na matagal na Nyang kinalimutan
Ang alam nya Napatawad na nya ito
Ngunit Hindi Pa pala Ng marinig nya ang Mga salitang Bumalik na ito
iniisip nya sa sarili nya kung
Totoo ba na bumalik na si angelo? At kung Totoo, Anong gagawin nya?
"Hoy! Ang panget ng Graham mo!
halatang Bumili ka lang ng delata na Pang salad sa palengke! Di mo pa nilagyan ng Mangga"
Panlalait ni Ellena sa kaibigan
"Natural hindi naman Manggo Graham yan! Matuto ka ngang Magluto!" Sagot naman ni Heaven
"Kahit pa! sana nag manggo graham cake kanalang! kesa ganito lasang kalawang!" panlalait ulit ni ellena
"kapal neto! haha ikaw nalang nakikikain Lalaitin mo pa Yung Graham cake ko Eh! punong puno na yang bibig mo halata namang masarap baka yung hininga mo lang ang amoy kalawang haha!"
pang aasar ni Heaven
"Ang kapal heaven ha! mamahalin ang Toothpaste ko!"
pagpapaliwanag ni ellena na Kumakain parin ng graham cake
"Tara sa Bar de vicente"
anyaya naman ni ellena
"Ang agap pa para sa alak!"
tanggi naman ni heaven
"tsk! Gusto ko Gumala Tara sa Parke!" anyaya ulit ni Ellena kaibigan
"Anong gagawin sa parke Manlalalake ka!"
Pangaasar naman ni Heaven kay ellena na bahagya namang napasimangot sa kaibigan
"oo Na sige na Tara na sa Parke"
bawi naman ni heaven dahil nakitang Nag tatampo ang kaibigan
"Teka Uubusin ko Lang Tong Mala kalawang mong Graham cake"
Pang aasar ni ellena
"Malamang maliligo pako at Mag bibihis Ubusin mo na yang masarap kung Graham cake sa mabaho mong hininga"
pang aasar din ni heaven
at sumama naman ang tingin ni ellena
"este sa graham cake kung lasang kalawang haha"
pang bawi naman ni heaven
at kumaripas na ng Takbo sa Kanyang kwarto
Naligo na si heaven
hindi sya nag shashampoo
o kahit ano man
Basta pinupusod lang nya ang buhok nya kahit Basa
at nag sosombrelo
Nag pang basketball sando si heaven na kulay pula at maong na butas butas
at Tsenelas Lang Na sipit
Yun Ang pormahan nya
pero hindi maiaalis sa kanyang Muka ang Ganda na Tinatago nya
bumaba na sya
at nakitang Tapos na sa pag kain ng graham cake ang kaibigan nya
"sana ikaw na ang nag hugas medyo makapal ka din eh"
puna naman ni heaven ng makitang hinuhugasan ng Katulong nya ang Pinag kainan ni Ellena
"Anong silbi ng katulong nyo eh bisita ako"
pag tatanggol naman ni ellena sa sarili
"Baka bwesita!"
pang aasar ni heaven
"Tara na at mukang excited kana sa parke kunin ko lang kotse ko"
paalam naman ni Heaven
ng makasakay na sila sa kotse
tuloy parin ang lang aalaska ni Ellena kay heaven
"bakit di mo sya kausapin?"
tanong naman ni ellena
"para saan? Naku! siguradong Wala nakong mararamdaman pa kung kaharap ko sya!"
sabi naman ni Heaven
"Abnormal ka kung wala na! nung mga nakaraang araw alam na alam ko Siya ang nasa isip mo diba kaya ka nag lalasing eh dahil sa kanya, " Pang aasar naman ni ellena sa kaibigan
Napairap naman si Heaven
"nag mamatured ako Kaya ako nag iinum, at isa pa Matagal na akong nag iinum nandito pa si angelo nun" paliwanag naman ni heaven
at tuloy tuloy na Nag maneho
"Andito na Tayo"
sabi ni Heaven Na Nakitang ayaw Bumaba ni Ellena
"akala ko ba Gusto mo sa Parke? oh eh bakit ayaw mong bumaba?"
tumingin naman Si Ellena sa kaibigan na parang kinakabahan sa sasabihin "a...ah ehhh"
Nag tataka na si Heaven Kaya di na nya napigilang Mag tanong
"Natatae kaba! para kang nag pipigil -__- Pwede ba Bumaba kana" asar na sabi ni Heaven
"Sorry Heaven, ehhh pinakiusapan lang nya kasi talaga ako para makausap ka"
sambit ni Ellena
nanlaki naman ang mga mata ni Heaven at ng Mapatingin sya sa Harapan ng Kanyang Kotse
ay May Nakatayong Lalake
na Ubod ng Garbo ang suot
halatang Halata na Parang Taong Taga maynila Kung hindi mo sya kilala
"Anak ng Tokwa naman Ellena! Tara na babalik na tayo!"
akmang papaandarin na ni Heaven ang kotse ng Biglang Tumakbo Ang lalake sa May bintana ng kotse
"Heaven! Mag usap tayo! kahit 1 hour, 30 minutes! kahit ilan!"
sigaw ng lalake
at agad namang napatigil si Heaven
naka black tint kasi ang kotse ni Heaven kaya hindi sila kita sa loob
"heaven, mukang panahon na para mag usap kayong dalawa"
sabi naman ni ellena
"di pa tayo tapos ellena! wag kang aalis dito!"
sabi ni Heaven at bumaba na ng kotse nya
Halatang Halata naman na Nagulat Ang lalake ng Makita nya si Heaven
dahil ang Heaven na iniwan nya
ay dalagang dalaga manamit
at Hindi Ganito sa nakikita nya ngayon
"Anong tinatanga tanga mo? Kala ko mag uusap tayo?"
sabi ni Heaven ng Mapansin na nakatulala ang lalake sa kanya
"wala, dun tayo sa upuan"
sabi naman ng lalake
"wala akong balak makipag laro angelo! sabihin mo na ang sasabihin mo wag kang mag panggap na ayus tayo dahil hindi!" pag papaliwang ni heaven
sa lalaki
at Oo ang lalakeng ito ay si Angelo
na dati nyang Nobyo
na iniwan sya Para
Sa maynila
"Gusto ko lang naman maupo tayo " pag anyaya ni angelo kay heaven
"pag bibigyan kita!"
mataas na boses na sabi ni heaven
at Tumunggo na si Heaven
sa upuan na sinasabi ni angelo
"Ano bang sasabihin mo? at nakuha mo pang idamay si ellena! " bunggad ni heaven ng makaupo na sya
"Ibang iba kana, Grabe nung--"
pag puna ni angelo
kay heaven pero hindi na nya
naituloy ang sasabihin nya
dahil nag salita na si heaven
"kung may sasabihin ka! sabihin mo na! dahil inaaksaya mo ang oras ko! ang dami dami kung gagawin! nag aaksaya lang ako na kausap ka!"
at akma na sanang tatayo si Heaven
pero nakapitan sya ni angelo sa kamay
kaya napaupo sya ulit
"ok! im sorry"
sabi angelo na nanggigilid na ang luha
"im sorry, kasi iniwan kita,hindi ko sinasadya na maging ganyan ka dahil sakin, hindi ko ginusto na umalis ng walang paalam pero kung mag papaalam ako alam kung makikita lang kitang umiiyak, ayaw kung malaman mo na mas pinipili ko ang maynila,kesa saatin" umiiyak na si angelo
tiningnan sya ni heaven
"unang una angelo Hindi ikaw ang dahilan kung bakit ako Nag kaganito! Pangalawa ano hindi mo ginusto? malinaw malinaw na Ginusto mo na umalis ng walang paalam! malinaw na malinaw na mas ginusto mo sa maynila kesa satin, tatanggapin ko naman kung gusto mo dun! Mag hihintay ako! pero hindi umalis ka ng walang paalam! at isa pa Dalawang taon na ang nakakalipas! wala na sakin yun! kung wala ka ng sasabihin pa! tigilan mo nako"
At tumayo na si heaven
at iniwan nyang Nag iiyak sa upuan
na Yun si Angelo
ng Tumalikod na si Heaven
hindi na Nya napigilan ang Umiyak
at tumakbo na sya sa loob ng kotse
at niyakap si ellena
"shhhh.. kaya mo yan"
saway naman ni ellena sa kaibigan
Kahit hindi aminin ni Heaven
alam nya sa sarili nya na kaya sya Nag kakaganito ay dahil Kay angelo
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Di ko na masyadong pinahaba
Kasi ang point Lang naman talaga ng Chapter 2 is bumalik na si angelo
tnx
please vote and comment