Jeremy pov
F*ck sh*t! Bakit ba ako nagpadala sa halik ng babaeng yon. Her father was my superior at the law firm I joined. Leslie Johnson is also studying law, smart but spoiled because she is an only child. Matagal na niyang inaming gusto niya ako pero hindi ko na ito binigyan ng pansin. Si Afsheen lang ang gusto kong maging girlfriend. Nakita ko ang reaction ni Afsheen kanina "a disappointed look". Sinubukan ko siyang sundan pero pinaharurot na niya ang kanyang sasakyan.
Wala akong ibang choice kundi ang ihatid si Leslie sa bahay nila. Sa mansion nila Afsheen na ako didiritso mamaya. "Honey why are you ignoring me? I want you to be my boyfriend and I really love you so much." Listen, I don't love you because I already love someone else and I hope you understand that.
"But we're kissing and you respond." I'm a man, I was just led into temptation. I kissed you back but I don't feel anything special. "You are a jerk, is that girl you followed the one you love?"
"Yes she is!"
"It's not possible because you will only be mine Jeremy."
Pagkababa ni Leslie ay agad kong pinasibad ang aking kotse papunta sa mansion ng mga Della Torres.
Kailangan kong makausap si Afsheen.
Nanlumo ako sa mga ikweninto niya noong nakaraang araw. Ang hirap pala ng mga pinagdaanan niya. Gusto ko siyang tulongang makamit ang hustisya. No matter what happens to her, I still don't lose my love for her. Mamahalin ko parin siya ng buo. Gusto ko parin bumuo ng pamilya kasama si Afsheen.
Pagdating ko sa mansion nila ay pinapasok agad ako ng kaibigan kong si Afzal. What's up bro! we fist bumb.
"Bro, si Afsheen pwedi ko ba siyang makausap?"
"Grabeh ka bro! Akala ko si Tita ang pinuntahan mo dito." Syempre pinuntahan ko rin ang mommy ko. Pero gusto kong makausap saglit ang kapatid mo. "Atat lang bro! Kaka-18 pa lang ni Afza puspusan kana agad." Sira! may kailangan lang akong ipaliwanag. "Ano naman ang ginawa mo at urgent ka talaga to explain."
The daughter of my superior kissed me and Afsheen saw it. "Wow SPG sa public place, matinik kana bro kahit tatahi-tahimik lang."
Pero nang tawagin niya si Afsheen ayaw na nitong bumaba. Kahit si Clearose ang tumawag ayaw parin bumaba.
Kinaumagahan ready na ang lahat para pumunta sa airport. Pero walang Afsheen ang bumaba kaya ang kambal na sina Arxel at Arzel na ang inutusang gisingin ang prinsesa ng mga Della Torres. What a f*ck...napamura ako dahil naka bathrobe with a missy long hair ang prinsesa. Ang cute niyang tingnan habang nagtatanong sa mga kapatid ng maisusuot na damit. Pinagkaisahan pa, pero kalaunan binigyan din siya ng dress ni Aliyah.
Habang bumababa ng hagdan at nakalugay ang buhok ng mahal ko napakaganda niyang tingnan at bagay na bagay sa kanya ang kanyang suot. She's like an angel na bumaba sa lupa mula sa langit. Nang mapansin niya ako, nagulat ito pero agad din nakabawi sa pagkabigla. May tinanong ito kay Clearose habang nandidilat ng mata...how cute. I talked to mommy to asked Afsheen's parents for permission to let her ride in my car. Mabuti nalang at pumayag ito pero habang nag-uusap sila nang mommy ko hindi ako makasingit sa kanilang usapan. Hanggang sulyap lang ako sa rear mirror ng aking kotse. Pero ang maldita di man Lang sumulyap sa gawi ko. Palagi nalang si mommy ang pinapansin o baka sinasadya nitong ayaw akong pansinin. Sobrang galit yata ang amazona ko.
Son, Why are you so quiet? Why you didn't join our conversation. Look at Afsheen, she is so beautiful, isn't she?" Napansin din sa wakas ni mommy ang pagiging tahimik ko. Akala ko driver of the day lang nila ako.
"Yes mommy she is very beautiful"...maikling sagot ko sa kanyang tanong.
Pagdating sa Airport gusto na sanang bumaba agad ni Afsheen. Kaya nakiusap ako kay mommy to give me 5 minutes to talk to Afsheen.
"Afsheen, just give my son a few minutes okay."
Nang bumaba si mommy, bumaba na rin ako mula sa driver seat at lumipat ako sa gawi ni Afsheen.
Sheen, I'm sorry! Wala kaming relasyon ni Leslie.
"Mind your own business Mr. and I also think about mine. You are at the right age for those things while I am not. Don't insist on things that shouldn't be done. I still have things to focus on.
Now that i'm in the military, i don't have to divide my attention on other things. I still have things to fixed for my family.
"Please give me a chance sheen".
"Hayaan mo ang tadhana na magbigay sayo ng chance. Pakaingatan mo ang iyong sarili.... goodbye!" sabay baba niya ng aking kotse.
F*ck! Ano ba itong kamalasan ang dumikit sa buhay ko sabay hampas ko sa upuan ng aking kotse. Habang tinitingnan ko ang papalayong si Afsheen..
*****
Naging mailap na ako sa lahat mula ng huli naming pag-uusap ni Afsheen. Nawala na ang aking ngiti na parang sabay na rin na tinangay ni Afsheen mula ng siya ay umalis . Parang nawalan ng saysay ang mga pangarap na nais kong marating. Pero si mommy bilang ina ko hindi nagsasawa na paalalahanan ako na tuloy ang buhay. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na balang araw pagtatagpuin kaming muli. Kung hindi ko raw itutuloy ang aking pangarap ano nalang daw ang ihaharap ko kay Afsheen sa muli naming pagkikita.
Salamat sa panginoon at ako ay nakapasa sa aking bar exam. Ako ang nangunguna at sigurado na may maipagmamalaki na ako kay Afsheen sa muli naming pagkikita. Kasapi na rin ako sa CIA, isa akong agent at lawyer. Si Leslie ay nasa France na at doon ipinagpatuloy ang kanya pag-aaral. Mula noong hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin at kinausap kusa na rin siyang sumuko. Isa na ako sa shareholder ng law firm na pagmamay-ari ng ama ni Leslie.
When Leslie won't stop annoying me, I filed a resignation letter. Pero hindi pumayag ang ama ni Leslie kaya ang anak niya ang pinalipat sa France. Inamin ko na rin sa kanya na wala talaga akong gusto sa anak niya. And I apologize him for not loving back her daughter. Mahirap talagang turuan ang puso dahil kung sino ang tinitibok nito ay yon ang hinahanap.
Mahigit dalawang taon ko nang hindi nakikita si Afsheen. Naki-balita ako sa mga kapatid at magulang niya pero wala silang maibibigay na detalye. Ang alam lang nila safe si Afsheen at patuloy ang pagti-training sa Air Force. Sa inis ay gusto ko nang pumasok sa Royal Canadian Military Air Force school para makita lang siya.
Sa pilipinas naman ay nagpatayo na ako ng bahay na sarili kong design at gastos. Para sa magiging pamilya na bubuuhin ko. Sana lang ay magustohan ito ng mahal ko. Once na makita ko lang siya, by hook or by crook she will be mine.
Kaming mga magkakaibigan ay may island din kaming naipundar. Ang kabuuang sukat ng Isla ay 16 hectares na kaming walo ay tig dalawang hectares ang shares. Nagpatayo kami nang rest house at nagpagandahan kami ng design.
Whoever has the best design will win the yacht prize. It worth the price about 8 million pesos. That yacht is from the famous company DT Ace mula Canada. They have the most unique design today in the field of marine transportation. Everyone of us are dreaming to have our own yatch. Mas lalo na ako gusto kong magkaroon ng sarili kong yacht para mag-ikot sa karatig island kasama ang mahal ko. The woman I love na hindi ko alam kong kailan ko makikitang muli.
Tinatapos ko lahat ng mga trabaho ko dahil magli-leave ako ng two weeks. I will fly to Canada for my mommy's birthday. Although my mother is based in the Philippines now. But her grandson requested that her birthday should be celebrated in Canada. The child can't be silent so mommy has no choice. The situation is also in my favor in case I see my Afsheen. Magbabaka-sakali na naman ako na makita siya.
Last year when I talked to Tito Marcus about his daughter. Ang sagot lang niya ay hahayaan ko munang marating ni Afsheen ang gusto nito. Dahil alam niya ang ugali ng kanyang anak. Hanggat walang maipagmamalaki hindi ito susuko. Kinatatakotan man ni Tito Marcus ang magiging kahihinatnan ng mga desisyon ni Afsheen kailangan parin niya itong suportahan. Sigurado siyang wala sa Canada si Afsheen. Ayaw man aminin ni Clarence Humpress kung saan nagpa-destino ang anak may kutob siyang nasa ibang bansa ito.
Ang hirap palang magmahal ng isang amazona na puno ng adventure sa buhay. Dahil sa kanya pumasok na rin ako sa CIA at lahat ng mga training nagawa ko. Kailangan kong makipag-sabayan sa babaeng mahal ko. If we are both in a dangerous situation I can protect her too. Mas matapang pa kaysa sa akin ang babaeng tinitibok ng puso ko. Lakas sumipa at sapul ang dibdib ko.
Habang nakaupo ako sa couch at nanunuod nang balita sa Al Jazeera. Nahagip ng paningin ko ang nag-iisang babaeng nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Ibinalita ng isang reporter na sila ang first batch ng Canadian Air Force na nakapasa sa training sa Russia. What a f*ck may nakaakbay na hilaw sa balikat ni Afsheen. Huli na ba ako? Wala na ba talaga akong pag-asa?