" Afsheen nakapag impaki kana ba ng mga gamit mo"...sigaw ng mama kong may sariling megaphone sa bibig hahaha.
Magbabakasyon kasi kaming buong mag-anak sa pilipinas. Naandito na kami ngayon naninirahan sa Canada. Naiwan sa pilipinas sina Daddy Elmer ang pinaka-bunsong kapatid ni papa.
Syempre kung nasaan si Daddy nandoon si mommy. Why we call them daddy and mommy? it's us to know, and it's you to find out...
. "Afsheen, nasa mundo ka pa ba? Tinatanong kita bakit hindi ka sumasagot?"
See....yan ang mama ko, sobrang concern sa amin. Tatanungin ka ba naman kong nasa kabilang daigdig kana ba o baka nasa ulap kana pumapasyal.
"Afsheen Della Torres! Ano ba? isa dalawa pagbilang ko ng sampo at ayaw mo parin sumagot lagot ka sa akin. Kukurotin ko talaga yang singit mong bata ka."
Ayan beshhh galit na mama ko ginagamitan na ako ng mathematics at masaklap kukurotin pa singit ko naku po baka pati bol² mabunot...usal ng baliw kong utak
. "Mama, nasa earth pa po ako, hindi pa po dumating yong sundo ko eh. Kaya nagse-cellphone muna po ako...baliw kong sagot sa aking mahal na ina.
"Ikaw na bata ka napaka pilya mo talaga, sumasagot ka nga lumipad naman sa kalawakan yang mga sagot mo."
Duhhhh mama naman, saan ba ako nagmana huh? at ang daming pinuputok ng botse nyo. Isipin mo nga muna yong mga pinagsasabi ninyo sa akin a few seconds ago. Ang mga tanong nyo naman din po ay nagsiliparan sa kalawakan. Kaya wala na akong ibang magagawa kundi habulin sila. Kahit isa man lang mahabol ko okay na po para may maisagot po ako sa inyo...I seriously say while I pout my lips.
"Ahhhh Marcus Della Torres! ano bang nangyayari dito sa panganay mo? Bakit parang sinasapian ng isang batalyong engkanto", megaphone level ni mama hahaha.
Ang galing umungol ni mama oh like pinahabang "ahhhh Marcus Della Torres sige pa ang sarappp paaa".Tapos ayownnnnnn lupasay silang babagsak sa kama....lihim kong hagikhik sa aking naisip na kabaliwan at baka katayin na ako ng mama ko.
Mama naman batalyon ng mga sundalo ang mga sinasanay ni Papa hindi batalyon ng mga engkanto o dewendi. Maghunos dili ka mama, kung makasigaw ka wagas ginugulantang mo mga lamang lupa.
Juskolord, kapag sila ay nainis sa kaingayan mo at magwiwilga mama. I promise you wala na tayong matitirahan. Si papa sa barracks na titira. Eh tayo syempre sa kalye na tayo pupulutin.
Tapos mama kapag tulog kana, nanakawin kami ng mga masasamang tao. Ibibinta kami sa mga hospitals para pakinabangang yong mga healthy laman loob namin.
Gusto mo nang ganun mama...pilyang ngiti ko sa nanay kong nagsimula ng umuusok ang bunbunan sa inis. Malapit ng magsasaing ang nanay ko dahil nagsisiga na (siga ang mata)dagdag ko pa....
Ang mga kasambahay namin gumugulong gulong na sa kakatawa. O ang sosyal ng mga family members namin diba "de puta este de buta na de gulong pa."
"Ewan ko sa'yong bata ka puputi na talaga buhok ko sa'yo" si mama frustrated na.
Asus si mama talaga ayaw umamin na matanda na. Talagang feeling young forever young eh. Nagpakulay lang ng buhok, pinanindigan na talaga ang pagiging teenager.....baliw kong komento habang nilantakan ang sandwich sa mesa.
Bumulanghit na naman ng tawa ang mga kasambahay namin. Kaya hindi na ako nakatiis at tinanong ko na si mama.
Mama sino ba ang sinapian ng isang batalyong engkanto? Ako ba? O yang mga kasama natin sa bahay na gumugulong-gulong sa kakatawa.Haiisstt ako ang pinagkamalan nyong sinaniban pero bakit iyang mga kasambahay ninyo ang nagde- demonstrate.
Sila yong sinapian ng isang batalyong engkanto tapos ako po ang pinagbibintangan ninyo? Nasaan na ba ang hustisya ma?...maktol kong tanong. Makaalis na nga dito......