Saint Michael Hospital, Toronto, Canada
Halos liparin na ni Afsheen ang daan patungong entrance nang naturang hospital. Hingal na hingal siyang lumapit sa reception area para magtanong kung nasaan ang room nang kanyang ama.
"Good evening ma'am, may I help you?"
"Please give me the room number of the patient named Markus Della Torres. I'm his daughter Afsheen Della Torres." Alam niyang restricted na ang pagdalaw sa ama. Kaya kailangang sapat ang information na ibibigay sa mga dumadalaw for safety. Si Clearose naman ay tahimik lang na nakasunod sa kanya.
"Marcus Della Torres VIP room 505 ma'am. And please sign he....Hindi na niya pinatapos pang magsalita ang receptionist at agad na siyang tumakbo. Hindi na siya gumamit pa ng elevator at sa hagdanan na siya dumaan para umakyat sa 5th floor.
Si Clearose naman ang nag- fill up nang form for safety. Dahil pinaghabilin na nang kuya Clarence niya sa mga doctor,nurse at reception area na kailangang higpitan ang security nang hospital.
Nasa tapat na si Afsheen sa room kung saan naka admit ang papa niya. Akmang papasok na sana siya nang harangan siya nang isang guard.
"Remove that hand of yours from holding me. I might break those bones in your hand delicately, scumbug. Let me get inside because I'm his daughter." Sa inis ay hindi na niya mapigilang huwag magmura.
"I'm sorry ma'am we're just following the protocol."
Doon lang niya napagtanto ang mga kasuotan ng mga ito. They are all military and her kuya Clarence hired them for her father's safety.
Saktong lumabas naman ang doctor at nurse kasama ang ina niya. Agad siyang niyapos nang ina at humagulgol na ito nang iyak. Pati si Afsheen ay hindi na mapigilan ang mga luhang nagsilabasan sa kanyang mga mata.
"Nurse please provide her PPE, she had to go inside the room to see her father."
Clarence asked the nurse, and he also apologized to the security for Afsheen's rude behaviour.
"How did everything happen mom?" She asked her mother.
Sinuot agad ni Afsheen ang PPE na bigay sa kanya ng nurse. Pati si Clearose ay binigyan na rin ng PPE. Pumasok na silang tatlo sa loob nang room. Nagpaiwan nalang si Clarence sa labas at naupo sa visiting area. Saka lang siya nakaramdam nang pagod sa buong araw niyang ginawa. Mula sa pag-asikaso niya kay papa Markus niya. Yes, he called him now Papa, dahil mula nang maikasal sila ni Nathalie gusto nitong papa na ang itawag niya dito. Hanggang sa sunduin niya sina Afsheen at Clearose sa London.
Sobrang tuwa nang kapatid niya nang tumawag ito through IMO call para ibinalita sa kanya na si Afsheen ang nanalo sa competition. Wala na rin siyang dahilan para ilihim dito ang nangyari dahil narinig na nito kung paano naghihistirikal na umiyak si Mama Sylvia. Masasabi niyang victory and pain ang mga naganap. Victory sa pagkapanalo ni Afsheen sa competition at Pain para sa buhay ni papa Marcus na nasa bingit nang kamatayan ngayon.
"Papa, gumising ka please...nag-iiyak na anas ni Afsheen. Papa, huwag mo kaming iwan. Papa, huwag kang bumitaw dahil hindi ko pa nakamit ang mga pangarap mo. Papa, naipanalo ko ang competition kanina. Alam mo ba na sobrang papuri ang mga natanggap ko mula sa kanila. Matalino daw ako dahil matalino ang mga magulang ko. Papa, di ba pangarap mong sumakay nang jet fighter plane dahil hindi mo pa naranasan yon. Papa, paano matutupad yon kung bibitaw ka?
Papa, hindi ka nagsisi dahil babae ang unang anak mo di ba? Humihikbi niyang sabi.
"Papa, bigyan mo ako nang pagkakataon na mapatunayan sa'yo na kaya kong gawin at abutin ang mga pangarap mo. Kagaya nang pag suporta at pag-alalay mo sa mga gusto kong gawin. Alam ko papa na ikaw ang nasa likod nang lahat nang mga tagumpay ko. Hindi ka man nagpapakita nang harap-harapan sa akin pero nakikita kita papa. Nakikita ko ang malawak mong mga ngiti sa tuwing nananalo ako. Nakikita ko ang paglundag at pag-sigaw mo nang "Yes! That's my daughter".
Nakikita ko ang pagtingala mo sa langit at pag-usal nang pasalamat kahit hindi ko iyon naririnig. Mas lalong lumalakas ang loob ko Papa na gawin ang lahat nang bagay dahil alam kong nandiyan ka. Kaya papa huwag kang bumitaw, huwag mo kaming iwan. Kailangan ka ni Mama, kailangan ka na mga kapatid ko at higit sa lahat kailangan ko po ang papa na katulad mo. Kahit wala tayong kayamanan okay lang po basta kasama ka lang namin. Don't let go papa, please don't let go. Don't give up on us.
Walang humpay ang pag agos nang luha ni Afsheen at namamaos na ang boses sa kanyang pag-iyak habang binabanggit ang mga madamdaming salita. Habang ang ina at si Clearose ay hindi na rin magilan ang mga luha.
"How did all this happen mom?" tanong ni Afsheen sa kanyang ina nang mahimasmasan siya ng konti.
Sé quién está dirigiendo todo (alam ko kung sino ang may pakana ng lahat)
Mis hermanos son codiciosos de riqueza (ang mga kapatid kong sakim sa kayamanan). Malaki ang nakuha nilang kayaman mula sa abuelo mo kaysa sa akin. Pero anong ginawa nila sa yaman nila, pinangsusugal at nalulong sa masamang bisyo.
Samantalang ang kapiranggot kong namana mula sa ama ko. Ginawang puhunan, at pinalago nang papa mo. Dugo at pawis ang ambag ng ama mo Afza. Lahat ng mga natamasa ninyo ngayon benefits na yan sa mga pagsisikap nang ama ninyo. Kung sakaling susumbatan ko ang ama mo na ako ang nagbigay nang capital para yumaman siya. Kaya na niyang magbayad nang 20 times.
Desde que nos levantamos, tu padre ha recibido muchas amenazas contra su vida. (Simula nang umangat tayo marami nang banta sa buhay ang natatanggap ang ama mo).
"Sino ang bibitawan ko ngayon Afza?" Ang kayamanan ba natin o ang papa mo...malakas na sambit nang ina ni Afsheen habang humagulgol nang iyak.
"Mama!!!!!"sigaw ni Afsheen sa sinabi nang kanyang ina.
"Walang bibitawan at walang bibitaw mama, kaya natin ito. Lalaban tayo hanggang sa huling hininga mama."
"Lucharé contra tu familia mamá si es necesario (I will fight your family mama if necessary).
"No hagas lo que piensas Afsheen. No puedes manejar a mis hermanos demoníacos"( huwag mong gagawin ang iniisip mo Afsheen. Hindi mo kaya ang mga demonyo kong kapatid). Pero mama, patuloy nila tayong aapihin kung ipapakita natin sa kanila ang kahinaan natin.
"Anak Tama nang napahamak ang iyong ama. Hindi ko na kaya kung pati kayong magkakapatid ay mapapahamak rin."
"Mamá, no sabes lo que puedo hacer. confía en mamá, te prometo que tendré cuidado.(mama, hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin. magtiwala ka lang mama, pangako mag-iingat ako.)
I will asked kuya Clarence to process all your documents. Kailangan ninyo munang dalhin si Papa sa New York. Si Juvy Grace na ang bahala kay Papa, alam kong kaya niyang iligtas ang papa.
"Anak huwag naman matigas ang ulo, makinig ka kay mama." Hindi mo alam kung ano ang kayang gawin mga yon. Mga halang na ang mga kaluluwa nang mga kapatid ko anak."
Pariho tayong mapapahamak kung mananatili kayo dito. Dapat may magsasakripisyo at may isasakripisyo mama.
"At ikaw ang isasakripisyo ko Afsheen, ganun ba ang gusto mo huh?" galit na sigaw nang ina ni Afsheen. Bahala nang mawala ang lahat nang kayamanan natin, basta sama-sama tayong buong pamilya."
Mama, intindihin mo naman ang mga sinasabi ko sa'yo. Iligtas mo si Papa, mas ligtas siya kapag sa New York siya magpapagamot dahil nandoon ang kapatid ko. Kaya ni Juvy Grace na iligtas si papa, I trust her ma.
Isama mo sina Gracey at Aliyah. Maiiwan si Cedrian dito.
"Ano????? Iiwan ko si Cedrian sa'yo dito? Afsheen naman nag-iisip ka ba nang matino? Paano ko iiwan sa'yo ang bunso ko. Hindi ko nga alam kung ano ang mga hakbang na gagawin mo. Napaka bata mo pa para magdisisyon nang ganyan kalalim. Hindi ko alam kung ano ang ginawa sa'yo nang ama mo para magkaroon ka nang ganyan katapang na ugali. Unti-unti nang nabubuksan ang mga pahina sa aklat na binuo ninyong mag-ama. At sa nakikita ko, nanganganib ang buhay mo anak.
Ma, kung wala lang tayo sa ganitong situwasyon kanina ko pa binabara ang mga pinagsasabi ninyo. No es suficiente mamá, ten un cristal de burbujas( kulang nalang mama, magkaroon ka nang bulang kristal).
"Eres realmente cojo!"( Pilya ka talaga)
Ma, kailangan ko si Cedrian dito. Kaya kailangan ni Cedrian na manatili dito kasama ako. Si Cedrian ang magiging mata at tainga ko. Besides nandiyan naman si kuya Clarence eh, sina Tito Clayford at tita Jessica, si Clearose. Hindi naman nila kami pababayaan mama.
"You're just kidding me Afza, anong kayang gawin ng isang 10 years old na bata para manatili kasama ka?. Kaya ba niyang makipagbuno at makig-barilan sa mga armadong tao na aataki sa inyo?. For God sake Afza, babae ka at hindi mo mapoprotektahan ang kapatid mo. Bata pa si Cedrian para protektahan ka niya. Hindi ko pweding iwan dito ang kapatid mo Afsheen. Kung kailangan naming pumunta sa New York para ipagamot ang ama mo, isasama ko mga kapatid mo.
"Mama please trust me, I'm not Della Torres if I'm useless."