Naalimpungatan kong may mejo mainit na hangin ang dumadami sa liig ko. Kaya unti-unti akong lumingon sa kabilang bahagi. Ayowwnn tulog na tulog ang aking Mr. At pinagsalikop pa ang aming mga kamay nakaunan pa ako sa braso nito. Anong oras na kaya? Nagwawala na kasi ang mga bulate ko sa gutom. Mukhang may digmaan ng nagaganap sa loob ng tiyan ko. “Love, I'm sorry! Forgive me for being careless and not protecting you. I should be the one protecting you because I am the padre de pamilya, your husband. Forgive me for being useless.”...he sobbed. Ay hala, umiiyak talaga? Akala ko gising na eh. Tinanggal ko ang aking mga kamay at bumaling sa paharap sa kanya. Hinaplos ko ang kanyang mukha at pinunasan ang kanyang luha. Eye drop lang yata eh, tikman ko kaya para magkaalaman hahaha. Teka nga!

