QUEESZHA'S P O V Mahirap man ang pagiging isang Ina lalo sa puyat at kapag nagkaka sakit ay worth it naman at tanggal agad ang pagod sa isang ngiti lamang ng baby mo o kung alam mong safe siya. Kaya naman hindi ako nagsisi kung bakit nag- resign ako agad dahil wala ng mas hihigit pang trabaho sa isang pagiging mabuting may bahay at Ina. Although, pareho lang namang kailangang mag sakripisyo para sa pamilya ng working mom at stay at home mom. Mas doble pa nga ang hirap ng isang working mother dahil kahit pagod sa maghapong trabaho ay kailangang pa ring mag- asikaso sa bahay para sa asawa at mga anak. Feeling blessed lang siguro ako dahil hindi na kailangang mag trabaho para sa pamilya. Pero kung dadami ang anak namin at kung kakapusin man kami sa sweldo ni Shiloh ay mapipilitan na rin si

