THIRD PERSON P O V
" Sigurado ka na ba talagang magpapa kasal ka kay Shiloh, Best? " tila hindi makapaniwalang tanong ni Xiomara sa kaibigan na si Queeszha
Nandito sila ngayon sa k'warto ng dalaga at kagabi nga nag- proposed sa kanya ang nobyo. Birthday kasi niya kahapon at may kaunting salo- salo rito sa bahay nila. Na sinamantala naman ni Shiloh para nga isagawa ang kanyang wedding proposal.
" Oo naman, 'no!? Mahal naman namin ang isa't isa! Tsaka hindi pa ba sapat iyong isang naming magka relasyon para hindu namin makilala ang isa't isa!? " katwiran pa niya
" Iyon na nga e! Isang taon pa lang kayo! Baka naman mabago pa ang isipan mo!? " sambit naman ni Virgo
Inirapan lang naman sila ni Queeszha habang naka harap ito sa vanity table habang si Xiomara ay naka dapa sa kama at si Virgo naman ay nakaupo sa flooring na may carpet at naka sandig sa gilid ng kama, malapit sa pwesto ni Xiomara.
Hindi naman kalakihan ang silid ni Queeszha, solohan ang kanyang kama, may TV set na maliit na nakapatong sa drawer sa paanan ng kama na maraming naka- display na mga pictures na nasa frame, books at stuff toys. May malaking cabinet sa galid at sa dulo niyon naka pwesto ang vanity table niya. Ang bathroom ay nasa labas ng mga silid nilang magkakapatid. Sa ibaba kasi ang k'warto ng kanyang mga magulang para raw hindi na nahihirapan ang mga itong magbaba taas sa sexond floor ng bahay.
" Bakit hindi na lang kayo maging masaya para sa akin? " tila nag tatatampo namang saad pa niya sabay harap sa mga ito
" Ikaw lang naman kasi ang inaalala namin! " mabilis ding tugon ni Virgo na mababakas sa mukha ang pag- aalala, " Ang nobyo mo naman kasi napaka- non chalant. " dugtong pa nito
" Ganoon lang naman talaga si Shiloh, pero mahal ako no'n! " pag tatanggol pa ni Queeszha sa kanyang Fiance.
Napa hugot na lamang ng malalim na buntong hininga ang mga kaibigan niya pagkatapos mag palitan ng mga tingin.
High school friend silang tatlo. Subalit iba- iba ang naging course nila no'ng college. Si Virgo ay isang Nurse at nagta trabaho sa isang private hospital sa kabilang bayan. Si Xiomara naman ay accounting graduate at Bank Teller na sikat na bangko rito sa kanilang bayan samantalang siya ay graduate ng business management at Manager ng isang sikat na grocery rito rin sa kanilang bayan. Mabuti at linggo ngayon kaya pare- pareho silang walang mga pasok sa trabaho kaya kahit mag hapon silang mag kwentuhan ay ayos lang.
" Doon lang kasi sa nais niyang mag- resign ka sa trabaho, wala pa naman kayong anak e! Maaari naman iyon para makapag- focus ka sa magiging anak n'yo kung sakali. Kaya lang kasi ang aga mo namang mag- re- resign? " himutok pa ni Xiomara na tila siya ang problemado sa siwasyon ng kaibigan
" Paano kasi mas malaki ang sweldo niya kaysa kay Shiloh! " sulsol pa naman ni Virgo na kuntodo naka taas pa ang isang kilay at naka halukipkip ang mga braso sa tapat ng dibdib.
" Ewan ko sa inyo! " pinakita talaga ni Queeszha sa mga kaibigan na naka simangot siya, ibig sabin ay hindi niya talaga nagugustuhan ang pag kontra ng mga ito sa nais niyang magpa kasal sa Fiance. " Palibhasa kasi wala pa kayong mga lovelife e! " pairap din niyang pang- aasara sa mga ito, napa- awang tuloy ang mga bibig nila tsaka nagka tinginan dahil walang maikumento sa banat ni Queeszha.
Tila naman nag mamalaki pa itong tinitingnan ang kamay kung nasaan ang engagement ring na isinuot ni Shiloh sa daliri niya kagabi.
" Okay! Kailan daw sila mamamanhikan? " pag sukong sambit na lamang ni Xiomara, dahil alam naman nilang wala silang laban sa kaibigan, kaya bahagyang natawa ang tinanong niya.
" Sa Sunday daw. " excited pang sambit ni Queeszha at tila nag mamalaki pa sa mga kaibigan na hinawi ang buhok.
" Well, sana nga hindi kami mali sa sapantaha namin sa kanya. S'yempre, full support naman kami sa inyong dalawa kahit medyo mayroon kaming pag- aalinlangan. " buntong hiningang wika naman ni Virgo
" Thank you mga Best! " tuwang- tuwang saad niya sa mga kaibiga at lumapit pa siya aa mga ito tsaka niyakap. " Alam ko namang concern lang kayo sa akin, pero i assure to the both of you na mahal na mahal namin ni Shiloh ang isa't isa! Sino ba kasi ang walang mga flaws, 'di ba? " pahayag pa niya at niyapos din naman siya ng mga ito
" Ate! Nandito si Kuya Shiloh! " dinig nilang tawag ng bunsong kapatid ni Queeszha, kaya naman na hinto ang masaya nilang kwentuhan tungkol sa pag- prepare nang kasal nila ng binatang IT employee.
" Speaking of the devil! "
" Ssshhhh! "
Napa bungisngis na lamang si Queeszha sa mga kaibigan tsaka tiningnan ulit ang sarili sa salamin bago lumabas.
" Tara na nga! Nagugutom na ko! " aya na lamang niya sa mga ito, sumunod naman sila para salubungin nga ang bagong dating.
" Hi! Ang aga mo!? Nakatulog ka ba?! " bati ni Queeszha sa Fiance na may halong biro sa living area ng kanilang bahay.
Ngunit hindi man lang ito ngumiti sa biro niya.
" Hello! Good morning! " magka sabay namang bati ng mga kaibigan niya sa Fiance.
" Good morning too! " wala pa ring reaksyon ang mukhang tugon bati nito sa kaibigan ng Fiancee. Kaya naman nagka tinginan lamang sila Xiomara at Virgo.
" Oo naman! Dumaan lang ako rito para dalhan ka ng kakanin na niluto nila Mama. " baling naman nito sa kanya na wala pa ring kangiti- ngiti, dalawang barangay lamang kasi ang pagitan ng barangay kung saan sila nakatira, kaya isang sakay lamang ng tricycle ay makikita na nila ang isa't isa kung nanaisin.
" Aw! Nag- snacks ka na ba? Tara sabayan mo kami nila Xiomara at Virgo, napa sarap ang kwentuhan namin kaya hindi pa kami kumakain ng breakfast. " pahayag niya
" Hindi pa rin, kakagising ko lang din kasi at nakaluto na nga niyan si Mama kaya nag dala muna ako rito. " tugon nito at sa pag kakataong iyon ay ngumiti ito ng bahagya.
" Tamang- tama lang pala! Sumabay ka na sa amin, tara sa kitchen! " hila na niya sa braso ng Fiance hindi naman na ito tumanggi, nauna nang tumungo sa kitchen ang mga kaibigan.
" Coffee, Shiloh? " usisa ni Virgo na balak mag timpla ng kape, bagay nga namang i- partner sa kakanin na dala nito.
Iyon kasi ang negosyo ng mga magulang niya, ang mag luto tsaka i- de- deliver ang mga iyon sa palengke kung saan may mga pwesto ang kanilang suki pata itinda naman ng mga ito.
" Sure! " kiming saad naman ng binata
At home naman na ang dalawang kaibigan ni Queeszha kaya sila na ang nag timpla ng kape at nag lagay sa pinggang ng mga kakanin na dala ni Shiloh.
" Sila Nanay at Tatay mo? " usisa naman ng binata sa Fiancee, nakaupo na silang dalawa sa hapag kainin
" Nasa likod bahay, natanaw ko kaninang nagti- trim sila Tatay at Nanay ng mga tanim nilang halaman. " sagot ni Queeszha, tumango lang naman kanyang Fiance.
" Marami naman ang dala ko, pag tirhan na lang natin sila. " saad ba ng binata kaya ngumiti at tumango naman ang dalaga.
Isa kasi iyon sa nagustuhan niya sa binata, iyong hindi maramot o masungit sa pamilya niya.
Tatlo sila Queeszha na magka kapatid, gitna siya at ang panganay nila ay may sarili ng pamilya kaya naka bukod na ang mga ito. Ang bunso ay lalake na siyang tumawag sa kanya kanina.
" Kain na tayo! " sambit ni Virgo at inilapag na ang mga tasa ng umuusok na black coffee na partner sa kakanin.
Naka upo na rin si Xiomara at binigyan na silang ng tig- iisang platito at tinidor.
" Thank you! " kiming saad ni Shiloh sa kaibigan ng Fiancee.
" You're welcome! " magiliw na saad naman ni Virgo at Xiomara
At nag- umpisa na silang kumain kaya tahimil lamang sila.
" Babe, paki baba mo naman ang tuhod mo, " basag ni Shiloh sa katahimikan na bumalot sa kusina ng pamilya Reyes sabay puna sa Fiancee kaya sa dalaga natuon ang atensyon ng mga kaibigan nito.
" Sorry! " ibinaba naman agad ni Queeszha ang binti, tumango lang naman si Shiloh at nagpa tuloy na sila sa pagkain
" Babe, hinaan mo naman ang tawa mo, para kang hindi babae. " malumanay namang saway ulit ni Shiloh sa Fiancee
Nagbiro kasi si Xiomara kaya malakas silang natawang tatlong magka kaibigan. Subalit, napansin naman agad ni Shiloh at sinaway siya.
Tila napahiya naman ang mga dalagang kaharap ng binata kaya bigla silang na tahimik at itinuloy na ang pagkain na walang kumikibo isa man sa kanilang apat.