THIRD PERSON P O V " Basta ang bilin ko . . . " " H'wag lalabas ng bahay ng naka- short, h'wag magpapa hiram ng gamit kapag wala ka at h'wag basta- basta magbubukas ng gate! " dugtong ni Queeszha sa ibibilin sana ng asawa, na naka halukipkip ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib sabay irap. Kaya naman ang kanyang Mister ay natatawa na lamang. " Very Good, Babe! " pabirong wika pa nito sabay yakap sa kaniya at halik sa magkabilang pisngi " Hhmmpp! Sampung beses mo na yatang ibinibilin iyan sa akin kaya memorize ko na! " naiinis pa ring saad ni Queeszha sa kanyang Mister Kaya naman mas lalong natawa si Shiloh tsaka mas hinigpitan niyo ang yakap sa kanya. Ngayon kasing araw ang balik niya sa trabaho samantalang si Queeszha ay maiiwanan nga niya sa bahay dahil pinag- resign na niya

