QUEESZHA'S P O V " Tama nga ang mga kaibigan ko, dahil tila nag palamig lamang sila Shiloh at Ris at eto na naman sila na laging namamasyal. Ang ipinag tataka ko pa ay kung bakit umuuwi pa sila rito sa amin at isinasama pa ang aming anak na si Queensay? Pwede namang sa Manila na lamang sila mag- date para hindi ko nakikita. Tsaka limang araw na nga silang magka sama sa opisina ay pati ba naman iyong dalawang araw na para sana sa amin ng anak ko ay aagawin pa niya? Tila manhid naman na ako sa ginagawa nilang iyon o dahil kahit hindi nila aminin ang kanilang relasyon ay alam ko na? Pwede ring baka kaya pumupunta rito ang amo ni Shiloh ay para unti- untiin kaming mag- ina at nakikipag- close sa anak namin para tanggapin siya nito bilang pangalawang ina. " Naiwanan ka na naman! " gulat

