THIRD PERSON P O V Hanggang sa magising sila kinabukasan ay mainit pa rin ang ulo ni Shiloh. Natuluyan nga kasi siyang nakatulog ng maaga, hindi na nga nakakain ng hapunan dahil sa pagka bitin at sama ng loob. " G- Good morning! " kiming bati ni Queeszha sa kanya nang bumungad sa kusina, nauna pa nga silang magising na mag- ina kaysa rito. " D- Da . . d- da! " bato rin sa kanya ni Queensay na nakaupo na sa baby chair nito sa may hapag kainan " Good morning too, my ladies! " magiliw naman nitonh bati kahit naka kunot pa rin ang noo, lumuhod ito para maka pantay ang anak na nasa upuan nitong may harang sa harapan. " Hhhmmmppp, kung hindi ka lang cute at nauna mo pang binigkas ang Dada, naku! Hindi ko lang alam ang gagawin ko sa'yo, anak! " gigil nitong pisil sa magkabilang pisngi ngunit

