SHILOH

1479 Words
THIRD PERSON P O V Maaga pa rin silang nagising kina umagahan, nag luto muna at kumain tsaka inumpisahan buksan ang mga na tanggap nilang mga reglo. Pero mas marami ang nag bigay ng pakimkim na pera. Na practical naman sa panahon ngayon dahil mabibili mo kung ano ang iyong nais. " Hayst! Salamat at natapos din tayo! " buntong hiningang bulalas na wika ni Queeszha nang makapag bukas nga sila ng mga regalo at ilagay ang mga iyon sa cabinet sa taas ng lababo. Iyong iba naman ay ginamit na nila dahil kulang pa nga ang kanilang mga appliances. Humawak pa siya sa balakang siya ini- ikot- ikot iyon. " Oo nga, mauna ka nang maligo, itatapon ko lang itong mga gift wrapper at sa labas na tayo kumain ng lunch. " saad naman ni Shiloh habang inilalagay na nga sa garbage bag ang mga basura nila. " Okay! Ano ang isusuot mo? " tugon naman ni Queeszha sabay tanong na rin bago pumasok sa k'warto. " Walking short at t- shirt. " tugon naman ng kanyang Mister " Okay! " tipid niyang sambit sabay pasok, kukuha kasi siya ng damit niya at ihahanda na rin ang para sa asawa. Nilapag ulit niya ang damit ni Shiloh sa ibabaw ng kama bago siya lumabas ng silid. Maong pants at blouse naman ang isusuot niya. Hindi kasi siya sanay ng naka- short lamang. Madalas nga ay leggings pa ang pang- ibaba niyang kasuotan kahit nasa bahay lamang. Pumasok na nga siya sa banyo samantalang si Shiloh ay natanaw niyang nasa labas ng gate. Nang giniginaw na siya ay lumabas na siya ng bathroom, akala naman niya kasi komo wala na silang gagawain ay sasabay na itong maligo sa kanya. Hindi pala at busy ito sa paglalaro ng online games sa cellphone. Napa simangot tuloy siya dahil doon, iyon kasi ang madalas nilang pag- awayan, ang pagka- adik nito sa sugal. " Tapos na ko! " pa dabog na sambit niya habang nakaupo sa kanilang sofa sa sala at abala ka kaka dutsot sa mobile phone. " Oo, wait lang! . . . Malapit nang matapos. " saad naman nito na hindi man lang tinapunan nang tingin ang Misis. Pumasok naman na si Queeszha sa kanilang silid at sinadya niya talagang medyo lakasan ang pagkaka sarado ng pinto para alam nitong naiinis siya. Tsaka siya humarap sa vanity mirror para gawin ang kanyang skin care routine. Pagkatapos niya ay lumabas na siya ng silid bitbit nag towel at nag sukbit na rin siya ng sling bag sa balikat. " Babe! Eto ang towel. " katok at tawag niya sa pinto ng banyo, naka hinga nga siya ng maluwag nang hindi na makita ang asawa sa sofa, ibig sabihin ay pumasok na ito sa banyo para maligo. " Thank you, Babe! " saad naman nito nang isungaw lamang ang ulo sa siwang ng pinto na may sabon pa. Tinungo naman na ni Queeszha ang sala para roon hintayin ang Mister para makapag bihis. Kinuha muna niya ang cellphone sa sling bag tsaka nag- scroll sa kanyang social media account. Ilang sandali ay naging busy na siya sa pagre reply sa mga bumabati sa kanilang pag- iisang dibdib kahapon. Habang nasa wedding car kasi silang dalawa patungo sa wedding reception ay nag- picture silang dalawa at nakapag- post pa. " Let's go, Babe! " aya naman ni Shiloh sa kanya nang makapag bihis na ito. " Nagugutom na ko! " dugtong pa sabay labas sa kanilang maindoor. Pina ikot lamang niya ang mga mata bago sumunod dito. " Iyong pinto sa kusina, naka- lock ba? " tanong niya bago ito makalabas sa gate May maliit din kasi silang pinto roon sa gilid, naroon kasi ang laundry area nila tsaka may daan papuntang harapan ng bahay. Kung sakali nga naman kasing may bisita sa sala ay pwedeng dumaan sa kusina patungong silid. " Oo! Na- check ko na kanina. " tugon naman nito at binuksan ang gate " Tingnan mo itong taong ito, siya lang hinintay ko, ako pa yata ang balak iwanan! " bubulong- bulong ko namang sambit sabay bukas ng payong Baka kasi lakarin lang nila patungo sa palengke ay matindi na ang sikat ng araw dahil tanghaling tapat. Ngunit, nagkamali naman siya hinintay naman siya nitong makalabas dahil ito ang magl- lock ng gate. " Lalakarin na lang ba natin patungong palengke? " tanong niya sa Mister na ang tingin ay nakatuon sa katabi nilang ginagawang bahay sa kaliwa na may mga trabahador. " Oo, malapit lang naman, " tugon nito sa kanya at inakbayan na siya tsaka kinuha ang payong sa kanya at nag- umpisa na silang nag lakad. " Apartment pala ang gagawin doon, akala ko bahay lang. " saad pa nito " Maganda kasing magpa tayo rito ng apartment, malapit sa lahat. " tugon naman ni Queeszha " Paano kung maiingay ang mga umupa roon, akala ko naman kaya ito ang binili ko ay kaunti pa lang tayong nakatira rito. Tahimik kako iyon pala dadami rin tayo! " tila nag sisisi pang wika nito " De sana binili mo na rin iyong katabi nating lupa para walang makabili no'ng iba! " pabirong saad naman ni Queeszha sa asawa " Tsk! Hindi mo na lang ako kinampihan sa gusto ko! " inis pa nitong wika kaya na kagat na lamang niya ang ang ibabang labi para hindi matawa, mas lalo kasi itong maiinis kapag narinig na pinag tawanan niya Mula kasi sa kalsada ay pang- apat na bahay ang bahay nila na may eskinita na kasya ang four wheel vehicle. Tapos iyon na ngang bakanteng lote pa lang noon na ngayon ay pina pagawaan pala ng apartment. Ang dulo niyon ay bakod na pader ng bangko perk sa kabilang eskinita ang daan. Ang harapan naman ng bahay nila ay pader din ng isang kumpanya ng tubig dito sa kanilang lugar. Kaya nga kakaunti lamang silang nakatira noon. Hindi na kumibo ai Queeszha hanggang makarating sila sa isang eatery na nasa loob ng kanilang mini mall. Ilang hakbang mula roon ay grocery store kung saan siy dating nagta trabaho ilang manager. Sa dulo ng eatery ang nakuha nilang table for four na walang kumakain, swerte nga at kahit papano ay nakakita sila dahil puno na ang nasabing kainan. Na puro filipino food naman ang hinahain. " Ano ang gusto mo? " masuyo namang niyang tanong nang makaupo na sila. " Isda lang, naumay kasi ako sa karne kahapon. " saad naman ni Quueszha, sa handa ng kasal nila siguro ang ibig niyang sabihin. " Okay! " tugon naman ni Shiloh at lumapit na sa counter, self service kasi, pero kapag naluto na ang order nila ay i- se- serve naman sa kanilang table. Bumalik naman agad si Shiloh sa table nilang mag- asawa at na gulat pa nang makitangay katabi na sa table ito na bata at kausap pa nito. " Sino siya, Babe? " usisa naman ni Shiloh nang makaupo na siya sa tabi ng asawa sa kaliwa sa kanan naman nito iyong bata nakaupo. " Ahm, hindi ko kilala, Babe, nakiupo lang at wala na kasi silang mahanap na bakanteng table, pumayag naman ako. " naka ngiting paliwanag naman ni Queeszha " Nasaan ang kasamahan niya? " usisa ulit niya " Ayon! Umoorder pa. " tinuro naman nito ang kasama no'ng bata na nakapila pa aa harap ng counter " Lalake!? " napa lakas naman ng bahagya ang wika ni Shiloh kaya iyong ibang kumakain na malapit sa kanila ay napa lingon sa gawi nila. Kaya naman naka tikim ito nang siko sa tagiliran mula sa kanya. " Ano naman ang masama e katabi naman kita. " bulong na lang niya at baka maintindihan ng batang nasa walo o siyam na taong gulang na lalake rin. " Tsk! Kahit na, dapat ay hinintay mo ako bago ka nag desisyon. " kunot na ang noong wika ni Shiloh, napa kamot na lamang sa kilau si Queeszha dahil sa ugali ng asawa. Hindi na rin naman nag tagal ay dumating ang order nila, gayunpaman ay hindi pa rin naaalis ang pagkaka roon nito ng gitla sa noo. Kaya naman binilisan na lamang ni Queeszha ang pagkain para matapos na sila at maka alis sa lugar na 'yon. Marami pa rin naman silang bibilhin. Bago naman nila maubos ang kanilang ni- order ay bumalik na sa table nila ang tatay no'ng bata. Para nga lamang hindi na madagdagan ang init ng ulo ni Shiloh ay hindi tinatapunan nang tingin ni Queeszha ang katabi nila sa table. Tila nga wala silang katabi kung kumain sila. Kahit nga pabalat bunga ay hindi na niya ito inalok. Hanggang sa palabas na sila ng naturang kainan patungo sa bilihan ng mga appliances ay hindi pa rin nawawala ang gitla sa noo ni Shiloh. Kaya naman napapa kamot na lamang sa kanyang kilay si Queeszha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD