QUEESZHA'S P O V " Mommy, bakit po kanina pa kayo nag lilinis ng bahay? " inosenteng tanong ng anak ko habang abala ako sa pag papalit ko ng kurtina sa sala at kusina. Katatapos ko lang linisin ang aming silid kaya siguro nag tataka siya. " May bisita raw kasama ang Daddy mo na uuwi bukas, ang sabi ay Boss niya raw iyon. " paliwanag ko pa kay Queensay, hindi naman kasi ito titigil sa kakatanong hangga't hindi nakukuha ang mga impormasyon na nais niyang malaman. " Talaga po, Mommy!? Wow! Mayaman po ba ang Boss ni Daddy!? " excited naman nitong usisa pa at nanlaki pa ang maliliit nitong mga mata. " S'yempre naman, anak! Nakaka hiya nga itong bahay natin ang liit- liit tapos inaya pa ng Daddy mo na pumunta rito. " saad ko naman " Maganda naman po ang bahay natin, Mommy, tsaka malinis

