QUEESZHA'S P O V " Grabe ka naman sa mga kaibigan mo, babe. Mabuti na lang game na game silang dalawa! " mahinahong sermon ni Shiloh sa akin habang naka higa na kami kaya naman napa bungisngis na lamang ako. " Ano magagawa ko, babe, kung iyon ang gusto ng magiging baby natin!? " naka ngusong saad ko naman Dito na rin sila kumain ng dinner, at iyong adobong chicken feet ang inulam namin. No choice nga sila kung hindi pag bigyan ako sa hiling kong sumayaw sila. Pagkatapos na ma satisfied ako sa sayaw nila ay pinahinto ko naman. Iyong nga lamang at puro sila reklamo hanggang sa kanilang pag- uwi. Naririnig ko namang nang hihingi ng pasensya sa kanila ni Shiloh habang inihatid namin sa kanto nitong aming eskinita. Dalangin pa nga ng mga itong sana raw h'wag ko na silang mapag lihian.

