Sa kaharian ng Bayya ay nabitiwan ng isang babae ang hawak na maliit na salamin. Tumulo ang masaganang luha sa mga mata nito sa nakitang repleksyon mula kanyang salamin.
"hindi maaari.."anas nito bago kumumpas ng kanyang kamay.
"Kailangan ka niya diyosa ng apoy.."bulong nito sa isang basong tubig.
Nabitiwan nito ang baso ng bigla itong uminit at bumula ang tubig na naroon. Ngumiti ang dalaga sa nakitang reaskyon ng tubig.
"huwag kang mag alala Liana, hindi ka niya pababayaan."bulong nito habang nakatingin muli sa salamin kung saan ay nakikita niya ang nakahimlay na dalaga.
Sa kabilang lugar sa kaharian ng Imana ay ganoon rin ang pagkabahala ng isang dalaga.
"nawa ay damhin ng aking haplos ang iyong kamalayan.."usal nito bago nagsayaw sa saliw ng isang musika.
Sa kaharian ng Zacarias ay naroon si Rhys at kasama nito si Aurora. Nakangiti ang diyosa ng yelo habang nakatingin sa prinsipeng nakaupo at tahimik na nakatanaw sa ginagawang kaharian.
"prinsipe.."pagkuha nito sa atensyon ng huli.
Nang hindi siya nito lingunin ay nilapitan na niya ito.
"ang iyong mukha ay walang pasasalamat, iniligtas kita sa sumpa."wika ni Aurora.
"hindi ko alam kung alin ang sumpa sa akin Aurora, kung iyon ba ay ang ibigin si Liana o ang makita itong wala nang buhay sa aking harapan."hindi nakasagot si Aurora sa tinuran ng prinsipe.
"iniibig ko si Liana ngunit tila marami itong lihim na itinatago sa akin. Pakiwari ko ay hindi ko na nakikilala pa ang babaeng minsan kong inangkin."ngumiti si Aurora sa mga narinig mula sa prinsipe.
Tumabi ito sa huli bago nagsalita.
"hindi mo man nakasama ang nakatakda sa iyo ay batid ko na makakaya mo ito, tulad ng hari na siyang iyong ama, hindi ba at dapat tayong magpasalamat na hindi na umabot pa sa malalang sitwasyon ang lahat at nagawan na agad ito ng paraan."sumang ayon si Rhys sa sinabi ng diyosa.
"gusto kong makausap si Accalia ngunit maging ito ay nilisan ako."nawala ang ngiti ni Aurora sa labi dahil sa narinig.
"hayaan mo at ako na ang maghahanap sa kanya upang makapag usap kayo.."wika nito.
"salamat Aurora."usal ng prinsipe bago muling tumanaw sa malayo.
Sa tulay na nagdudugtong nang kaharian ng Zacarias at Bayya ay nakaupo si Accalia. Nakatanaw ito sa kanyang repleksyon mula sa ilog bilang isang lobo.
"ano ang maipaglilingkod ko sa isang lobo?" agad na nagpalit ng anyo si Accalia nang may lumapit na isang dalaga.
"sino ka?"matapang na tanong ni Accalia.
Tumawa ang dalaga sa tinuran ni Accalia.
"nais kong magpakilala ngunit ako ay nagmamadali na, nais kong malaman mo na nanganganib ang iyong buhay."nagsalubong ang kilay ni Accalia sa narinig.
"wala akong panahon para makipaglokohan sa iyo--"
"hindi mo siya kakayaning talunin babaeng lobo, mas mabuting sumama ka sa akin."wika nito.
"at bakit ako maniniwala sa isang estranghera?"napabuga ng hangin ang dalaga sa sinabi ni Accalia.
"parating na siya!"hinila nito si Accalia sa gulat ng huli.
Napatili si Accalia ng sabay silang tumalon ng dalaga mula sa tulay pabagsak sa ilog. Suminghap singhap si Accalia at mabilis na lumangoy papuntang pampang. Nang makaahon ay galit na nilapitan nito ang babaeng nagpipiga ng damit.
"kung balak mong paslangin ang iyong sarili ay huwag kang magsama ng iba!"daing ni Accalia.
Tinignan siya nito at tinuro ang tulay na kaninang kinatatayuan.
Napamaang si Accali nang makitang maraming patalim ang nakatarak sa kaninang kinatatayuan niya.
"walang anuman.."nanunuyang wika ng dalaga at akmang iiwan na siya nito nang pigilan ito ni Accalia.
"sino ka at paano mo nalaman na may nagtatangka sa aking buhay? S-Sino ang nilalang na nais akong saktan?"imbes na sumagot ay ngumiti lamang ang dalaga sa kanya.
"ang kaligtasan mo ay kasama upang maging ligtas siya.. Kung kaya walang anuman ang aking ginawa."wika nito bago tumalikod at naglakad palayo.
"siya? Sino siya?!sino ang iyong tinutukoy?!"sigaw ni Accalia ngunit hindi na ito nilingong muli ng estranghera.
Sa malaking puno kung saan nakahimlay ang katawan ni Liana ay kasama nito si Ava. Bakas ang pag aalala at lungkot sa mukha ng huli sa sinapit ng dalaga.
"sa muli mong pagmulat ay magbabago ang lahat Liana.."wika nito sa mababang tono.
Ang malakas na hangin na naghawi sa kanyang buhok ang umagaw sa atensyon nito.
"kailangan ko ang prinsipe na siyang mapagkakatiwalaan natin."tumango ang anino na nakatago sa hangin sa sinambit ni Ava.
Sa kaharian ng Imana ay galit na galit na pinagbabato ni Hanish ang mga kagamitan sa kanyang silid. Maging ang mga magulang nito ay hindi mapanatag sa nakikitang galit mula sa anak.
"Anak.."tawag ng reyna.
"hindi siya ang dapat na nawala! Hindi si Liana! Ang prinsipe ng Zacarias ang siyang dapat na paslangin sa laki ng kasalanan nila sa aking kaibigan ay nagawa pa nila ang kalupitang ito?!"malakas na bumalandra pabukas ang pintuan at mga bintana sa hanging dulot ng galit nito.
"iyon ang kalooban ng mga diyosa anak.."pag aalo ng hari sa naghihinagpis na prinsipe.
"ang kalupitan ng mga diyosa ay walang pinipili kung ganoon, na maging anf kanilang kauri ay nagawa nilang maghirap at mamatay!"
Ang malakas na pagbayo mula sa mga pader ng palasyo ang nagpatigil sa lahat. Ang hangin ay umiingit na nagbibigay ng pagsakit sa pandinig ng nakararami.
"Hanish itigil mo ito!"suway ng reyna sa anak.
Ngunit maging ang prinsipe ay walang ideya sa nangyayari at ito rin ay tinatablan ng malakas na hangin.
"h-hindi ako ang gumagawa nito!"daing ni Hanish.
"kung hindi ikaw ay sino?!ikaw lamang ang may kakayahang ganito!"asik ng hari.
"ako.."pagkasabi ng isang dalaga na nababalutan ng hangin na umiikot sa katawan at nawala ang malakas na hangin at kumalma ang kapaligiran.
"sino ka?"tanong ng hari.
"patawad ngunit hindi ang pagpapakilala sa inyo ang sadya ko kung hindi ang prinsipe."napaatras si Hanish nang maglakad ang babae palapit sa kanya.
"lumayo ka!"inilabas ni Hanish ang elemento ng hangin at ginamit ito upang maitaboy ang babae ngunit hindi ito tumalab sa dalaga.
"hindi magagawang saktan ng elementong hawak mo ang siyang nag mamay ari dito."litanya ng babae.
"n-nag mamay ari? Ako ang tagapangalaga nito!"naguguluhang asik ni Hanish.
"tagapangalaga, ngunit hindi ikaw ang tunay na may ari.."natigilan ang tatlong nilalang sa narinig mula sa dalaga.
"hindi ko balak ang manakit ng nilalang, sumama ka sa akin at dadalhin kita kung saan naroon si Liana."nag atubili ang prinsipe sa narinig.
"huwag kang sasama anak at baka isa lamang itong patibong upang makuha ang elemento sa iyo."natatakot na usal ng reyna.
Nilingon ng babae ang mahal na reyna at ang hari.
"kung nais kong gawin ang bagay na 'yan ay matagal ko nang ginawa, kayang kaya kong kunin ang hininga ninyo."bakas sa boses ng babae ang pagkainis.
"k-kung sasama ako, maipapangako mo ba na magiging ligtas ang hari at reyna?"si Hanish.
"makakaasa ka mahal na prinsipe."
May pagdududa man ay sumama parin ang prinsipe sa babaeng misteryosa. Pumasok sila sa isang gubat sa pagtataka ng prinsipe.
"bakit tayo narito?"tanong nito.
"ang malaking punong bubungad sa atin ang siyang sasagot sa iyong mga katanungan at pagdududa."hindi nakasagot ang prinsipe sa inanas ng babae.
Isang malaking puno ang tumambad sa kanila na siyang sinabi ng babae.
Nanlaki ang mga mata ni Hanish nang magkaroon ng malaking butas ang puno at sumungaw ang nakikilala niyang nilalang.
"Ava?"wika ng prinsipe.
"ako nga mahal na prinsipe, pumasok ka sa loob at naroon si Liana."sumunod ito sa sinabi ni Ava.
Naiwan si Ava at ang misteryosang babae sa labas.
"ikaw na muna ang umagapay sa kanya Avani."wika ng babae.
"makakaasa ka, ngunit sana ay sabihan mo at balitaan din ang dalawa lalo na siya."ngumiti ang babae sa sinabi ni Ava bago tumango.
"hindi pababayaan niya pababayaan si Liana Avani, umasa kang nakagabay kami sa inyo."iyon lamang at umalis na ito at naglaho kasama ang hangin.
Nang pumasok si Ava sa loob ng puno ay natagpuan niyang umiiyak ang prinsipe habang nakatingin sa nakahigang si Liana.
"napakapait ng kapalaran ng aking kaibigan Ava.."sambit nito habang lumuluha.
"kung may magagawa lamang ako upang maibalik ang buhay sa kanyang mga mata ay gagawin ko--"
"may magagawa ka prinsipe Hanish."natigilan si Hanish at nilingon ang seryosong mukha ni Ava.
"a-anong ibig mong sabihin?"
Huminga nang malalim si Ava at naupo sa katabing upuan ng kinahihigaan ni Liana na puno ng mga bulaklak.
"ang elementong hawak mo ang siyang magbibigay muli ng hininga kay Liana."napamaang ang prinsipe sa narinig.
"paanong ang elemento ko?"nagtatakang tanong nito.
"makinig ka lamang sa mga sasabihin ko at mabubuhay muli si Liana."may pag aalinlangang tumango ang prinsipe kay Ava.
"ilabas mo ang iyong elemento."sinunod ng prinsipe ang inutos nito.
"ngayon ay itapat mo kay Liana ang ang elementong hawak mo, at sambitin mo ang mga katagang ito, Ang hangin na mula sa iyo ay ibabalik ko sapagkat ang nagmamay ari sa akin ay aking kikilalanin."sinunod ni Hanish ang winika ni Ava.
"Ang hangin na mula sa iyo ay ibabalik ko sapagkat ang nagmamay ari sa akin ay aking kikilalanin.."napapikit si Hanish nang isang maliit na ipo ipo ang lumabas mula sa kanyang palad at nagtungo sa katawan ni Liana.
"ngayon mahal na prinsipe ay makararamdam ka ng pagod at pagbigat ng iyong talukap."
"huh?!b-bakit?"nag aakusang tinignan nito si Ava.
"sapagkat ang iyong hangin ang ibinigay mo sa kanya."nanlaki ang mga mata ni Hanish sa narinig.
"n-nilinlang mo ako--"
Bumagsak ang prinsipe na agad sinalo ni Ava.
"patawarin mo ako mahal na prinsipe ngunit ito lamang ang paraan upang mabuhay si Liana."