Nang magmulat ng mata si Liana ay kuminang ang paligid. Ang kapaligiran niya ay madilim ngunit may mga munting ilaw sa paligid.
"mabuti naman at gising ka na.."nilingon ni Liana ang isang babaeng may mahabang buhok at puting kasuotan.
Ang damit nito ay kumikislap tulad ng kapaligiran niya. Sa pagtataka ay pinagmasdan niya ito. Hindi niya nakikilala ang babaeng nasa harapan.
Ngumiti ito sa kanya at naupo sa kanyang tabi. Bumangon si Liana at umusog upang bigyan ng espasyo ang babae.
"Liana, ako si Tala ang diyosa ng mga bituin."hindi nakakibo si Liana sa tinuran ng babae.
"pumanaw ang katawang lupa mo Liana ngunit hindi ang pagiging isang diyosa.."kusang tumulo ang luha sa mga mata ni Liana sa narinig.
"patawad Liana kung hindi ka naprotektahan ng iba pang diyosa ngunit makakaasa kang nasa panig mo ako.."patuloy nito.
"hindi ko maintindihan kung bakit at paano ako naging diyosa, isa lamang akong hamak na manggagamot--"
"manggagamot na kayang kontrolin ang mga elemento iyon ba ang pinupunto mo?"hindi nakapagsalita si Liana sa gulat na alam nito ang lihim nila ng kanyang tinuring na ina.
"nakikita ko ang lahat mula dito Liana at batid ko na ganoon din ang iba pang diyosa.."paliwanag nito nang makita ang pagkagulat sa mukha ni Liana.
"makinig ka Liana, hindi mo magagawang kitilin ang iyong buhay sapagkat ang iyong buhay ay hindi lamang para sa iyo.."
"anong ibig mong sabihin?"tanong ni Liana kay Tala.
Bumuntong hininga ang huli. Hinawi nito ang mahabang buhok bago tumayo.
"sumunod ka sa akin.."wika nito na ginawa niya.
"pagmasdan mo.."hinawi nito ang usok sa isang salamin at doon ay nakita niya si Accalia.
Duguan ang babaeng lobo at may yelo sa magkabilang paa.
"anong nangyari sa kanya?!Accalia!"sigaw niya sa salamin ngunit hindi siya nito naririnig.
"ang babaeng lobo na iyan ay maaring mapaslang Liana ngunit may magagawa ka upang pigilan ang magaganap.."nilingon niya si Tala nang may mga katanungan sa isip.
Ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat.
"makinig kang mabuti, pakiramdaman mo ang hangin Liana at bumulong ka.."wika nito sa seryosong tinig.
Tumango si Liana at sinunuod ang mga sinabi ng diyosa ng bituin.
Naramdaman ni Liana na mula sa kanyang katawan ay may pamilyar na hangin ang siyang bumubulong sa kanya.
"Hanish.."bulong niya nang marinig ang mga binubulong din sa kanya ng hangin.
"tulungan mo si Accalia.."
Nawala ang hangin na nakapalibot sa katawan ni Liana pagkasabi niya ng mga salitang 'yon. Nang magmulat ito ng mga mata ay hindi ito makapaniwala sa mga nagawa.
"ngayon Liana ay pakiramdaman mo ang tubig.."tumango si Liana at muling ipinikit ang kanyang mga mata.
Ang mga bula ang unang naaninaw ni Liana sa kanyang isipan. Ang sumunod ay ang mga sirenang nagsasayaw sa saliw ng musika mula sa pusod ng dagat. Pinalalim pa ni Liana ang kanyang konsentrasyon hanggang ang asul na tubig ay maging pula.
"malapit ka na Liana, ngayon ay tukuyin mo ang mga pamilyar na amoy sa iyong ilong at pandinig.."ginawa ni Liana ang sinabi nito.
Ang pulang tubig ay dumadaloy sa kanyang ugat patungo sa ibat iba pang parte ng ugat na batid niyang hindi sa kanya.
Pinatigil niya ang tumutulong dugo sa pamilyar na katawan.
Accalia!
Nang magmulat siya ng mga mata ay nakangiti na sa kanya si Tala.
"mahusay ang iyong ginawa Liana ngayon ay maari na kitang ibaba muli sa lupa.."naguluhan si Liana sa winika nito.
"ngunit ang sabi mo ay patay na ang katawang lupa ko.."
"oo Liana kaya ang katawan ng diyosa ang bababa, ang totoong lahi mo Aeliana.."bumuka ang bibig ni Liana upang magsalita ngunit itinikom din agad nang tawagin siya nito sa kanyang tunay na pangalan.
"paanong--"
"Aeliana Sidra ang diyosa ng mga elemento.."yumuko sa kanyang harapan si Tala sa kalituhan niya.
"bakit ka lumuluhod diyosa ng bituin?"tanong ni Liana.
"sapagkat ang diyosa na nasa aking harapan ay nagmula sa pinakamataas na salinlahi ng mga diyosa.."
Ngumiti ito sa kanya nang tingilain siya nito bago bumigkas ng mga salitang hindi niya mawari. Napatili si Liana nang pabulusok siyang nahulog pababa.
"sa mundo ng mga tao ka dadalhin ng aking kapangyarihan mahal na diyosa hanapin mo si Aoife isang diwata ng lawa sa norte."ang mga salita nito ang siyang huling narinig ni Liana bago tuluyang bumagsak sa isang simento.
Nagniningas ang mga mata ni Hanish habang naglalakad palabas sa kakahuyan nang makaramdam siya ng malakas na ihip ng hangin. Sumipol ito sa kanyang pandinig.
"Hanish.."
"Liana?!"bigkas niya sa pangalan nito nang marinig ang pamilyar na tinig.
Nilingon nito ang paligid ngunit wala ni anino ng dalaga siyang nakita.
"tulungan mo si Accalia.."pagkarinig sa pangalan ng babae ang mapula niyang mata sa pagniningas ay nahaluan ng itim.
Accalia.
Binilisan ni Hanish ang paglipad gamit ang kanyang kapangyarihang hangin mula sa kanyang hawak na elemento.
Nang tumabad sa kanya ang bungad ng tulay sa Zacarias ay muling kumirot ang kanyang dibdib.
"anong ibig sabihin nito.."daing ni Hanish habang patuloy na lumilipad sa daan ng tulay.
Natigil si Hanish nang masaksihan ang pagbato ng diyosa ng yelo ng isang matalim na bagay sa sikmura ni Accalia.
Umigting ang panga nito at agad na sinalag ang iba pang patalim na ibinato nito gamit ang kanyang hangin.
"p-prinsi--pe.."ang pagsasalita ni Accalia ay nagpabuga dito ng dugo.
Lalong nagalit si Hanish sa nasaksihang kalagayan ng dalagang lobo. Hinarap nito ang diyosa ng yelo.
"batid mo ba ang iyong ginagawa Aurora?!"halos mapigtas ang ugat sa leeg ni Hanish sa sigaw na iyon.
"nais ng aking prinsipe na paslangin ang lobo na tumalikod sa kanya.."lalong kumuyom ang kamay ni Hanish sa narinig.
"ako muna ang papatay sa kanya bago niya magawa ang kanyang nais!"sumugod si Hanish gamit amg kanyang bilis sa pagkabigla ni Aurora.
Tumalsik ang diyosa ng yelo at sumuka ng dugo.
"sabihin mo sa prinsipe mo na hindi ko hahayaang may isang nilalang pa ang mawalan ng buhay nang dahil sa kanya!"galit na sambit ni Hanish bago lumipad muli patungo kay Accalia.
Inalalayan niya ito patayo at sinama na paalis. Lumipad sila patungo sa kanyang kaharian kung saan ay magiging ligtas ang dalaga.
"tumawag ka ng manggagamot madali ka!"utos niya sa kanyang kawal na tagapagbantay nang makapasok sila ng palasyo.
"mas ligtas ka sa Imana Accalia, mas ligtas ka dito sa akin.."bulong niya sa babaeng wala nang malay bago ito inilapag sa malambot na higaan.
Hindi inaasahan ni Rhys ang makikita sa pagbabalik ni Aurora.
"ano at duguan ka?"nag aalalang inalalayan niya ang dalaga patungo sa isang upuan.
"patawarin mo ako mahal na prinsipe ngunit ng akmang kakausapin ko si Accalia ay sinaktan ako ng prinsipe ng Imana."nagulat si Rhys sa narinig.
"si Hanish?!"nanghihina na tumango si Aurora kay Rhys.
"g-galit na galit siya.."
"huwag ka na munang magsalita, ipadadala kita sa pagamutan upang magamot amg iyong mga sugat, ako na ang bahala sa prinsipe ng Imana."ngumiti si Aurora dito at tumango bago sumama sa mga naroong aalalay sa kanya patungo sa pagamutan.
"totoo ba na nagawa ni Hanish ang bagay na iyon?"nilingon ni Rhys ang prinsipe ng Bayya.
"hindi ko na alam Irving.."naguguluhang wika ni Rhys.
Akmang magsasalita pa sana ito nang makita ang nasa kamay ni Rhys.
"ano 'yan?"maging si Rhys ay napatingin sa likod ng kanyang palad.
Ang kanyang dibdib ay malakas na kumalabog sapagkat nakita na rin niya ang simbolong ito.
Kinuha ni Irving ang kamay ni Rhys at sinipat ang kulay itim na naroon.
"isang marka ng pakpak?"patanong na komento nito.
Iniwas ni Rhys ang kamay sa prinsipe ng Bayya.
Napaupo ito at tulalang tumingala. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang sa wakas ay bumungad sa kanya ang realisasyon.
"Rhys.."nag aalalang nilapitan siya ng prinsipe.
Tumingin si Rhys kay Irving hindi alintana ang pagtulo ng kanyang luha. Ngumiti siya ng mapait sa lalaki at pinakatitigan ang kanyang kamay na ngayon ay may marka.
"may ganito rin ang aking amang hari Irving, ang marka na wala na ang itinakda para sa iyo.."hindi makapaniwala si Irving sa kanyang nakikita.
Ang prinsipe na kailanman ay hindi niya kinakitaan ng kahinaan kahit noon sa kalagayan ng ama nito, ngayon ay parang batang nagtatangis at humihikbi sa kanyang harapan.
"m-mahal ko.."sambit nito habang patuloy na lumuluha.
"Rhys.."malungkot na hinawakan ni Irving ang balikat nito na nagsasabing nakikiramay ito sa nangyari.
"ngayon ay alam na natin ang dahilan ng galit ni Hanish.."wika ni Irving na sinang ayunan ni Rhys.
"Wala na ang babaeng minamahal ko at ang kaibigan nito. Hindi ko ito masisi sapagkat maging ako ay nagagalit sa aking sarili."daing ni Rhys.
Ang luha sa mga mata nito ay hindi nawala. Tumingala ito sa itaas bago nagsalita.
"hindi ang pagiging diyosa ni Liana ang sumpa sa akin.."umiiyak sa sambit ni Rhys habang nakikinig lamang ang isa pang prinsipe.
Itinaas nito ang kamay na may itim na marka ng isang pakpak.
"ito, ito ang aking sumpa.."