Naguguluhang nag angat ng tingin ang dalagang diyosa sa sinambit ni Esme. "may kapalit ang pagtapak mo sa kaharian, katulad ng kung paanong nanghina ang prinsipeng iniibig mo, siya mo ding madadama 'pagkat ang reyna ay sa iyo humuhugot ng lakas at ngayon na nasa iisang lugar kayo ay malakas ang pagkuha niya ng lakas mula sa iyo.." Galit na pinigilan ni Hanish ang kamay ng paalis na sanang si Esme. "bakit hindi ka nag abalang sabihin sa amin kung batid mong ganito ang mangyayari?!"nasa boses nito ang pinipigil na galit. Pinagmasdan ni Esme ang iba pang nandoon na nakadalo kay Liana. Nagtatangis at galit ang masasalamin sa mata ng mga ito. "walang saysay kung sabihin ko man, kilala ko si Liana hindi mahalaga para sa kanya ang sarili dahil nakikita kong mas mahalaga ang buhay ng prinsipe

