"kamusta na ang pakiramdam mo?"sa nag aalalang tono ay tanong ni Irving kay Rhys. Ngumiti ang huli dito at muling pumikit. "gaano ba kahirap kontrolin ang iyong sarili? Hindi ka maaring makita ng mga tao sa ganyang sitwasyon.."ani nito habang pinagmamasdan ang kaibigang prinsipe na namumula ang mata at pilit pinipigilan ang paglitaw ng mga pangil. "sobrang hirap.. Lalo na kung minsan mo nang natikman ang dugo ng itinakda sa'yo.."daing ni Rhys dito. Humihinga ng malalim at pilit pinapakalma ang sarili iyon ang naabutan ni Accalia ng pumasok siya sa silid ng dalawa mula sa bintana. "Accalia hindi ba at sinabi kong huwag mong ugaliin ang pagdaan sa bintana? Paano kung maabutan mo kami sa hindi kaaya ayang posisyon? Maari mo kaming makita ng walang pang itaas o bagong ligo--" "patawad ma

