Napahinto sa paglalakad si Accalia sa narinig. Kaagad nagbara ang lalamunan niya sa sinabi ni Ara. Nag umpisang magtubig ang kanyang mga mata. "pupuntahan natin ang mga prinsipe."iyon lang ang sinabi ni Ara bago naunang maglakad. Pinigilan ni Accalia ang umiyak. Hindi ganoon kadaling mawawala ang kaibigang prinsipe. Hindi ang mabait na si Rhys. Kasama na nila ang dalawa pa na sila Yonah at Hanish at naiilang si Accalia lalo at kasama nila ang itinakda sa kanya. Sadyang malupit nga ang tadhana. Kung si Rhys ay sinumpa sa isang diyosa na kinalimutan ang pag iibigang mayroon sila, siya naman ay itinakda sa pag iibigang may kaakibat na kapalit at panganib. Kasalanan ang umibig sa hindi mo kauri, iyon ang batas ng mga lobo. Grupo grupo sila ngunit nagsasama kung kinakailangan. Ngayon na

