Chapter 2: Music Club

855 Words
Maaga akong nagising dahil second day namin ngayon sa school at kailangan namin agahan dahil may orientation at pipili ng mga club na sasalihan. pupunta ako dun para tulungan ang iba namin member na asikasuhin ang mga newbie ng club, matagal na akong kasali sa music club. Si Nicolo din ay kasali dito dahil marunong syang mag gitara at ako naman ay violin. Pagkatapasok ko palang ay andami na agad tao, dahil sa gymnasium naka pwesto ang registration ng mga club ay doon na ako dumiretso. Nakita ko agad si Nicolo doon sa pwesto namin at nung nakita nya ako ay nginitian nya agad ako at lumapit sakin. Ako naman ay inirapan lang sya. "hi ganda" sabi nya "kung buhatin mo nalang kaya tong dala ko tss" sabat ko sa kanya at kinuha nya naman ang mga dala ko para sa mga props sa design sa club namin. at pumunta na kami sa mga kasama namin sa club. "guys, kailangan na natin magpractice para sa performance natin sa acquaintance party" sabi ni crystal na singer namin. "kailan ba gaganapin?" tanong ko "sabi ni ma'am liza, sa july 24 na daw yun" sagot naman ni angel na isa sa mga singer. "so kailangan na natin sanayin ang mga baguhan dito" singit naman ni Nicolo Pagkatapos namin magusap usap ay inasikaso na namin ang mga sumasali para sa club. "kumain kana?" tanong ni Nicolo "Hindi pa" sagot ko sa kanya "Sabay tayo kumain mamaya pagtapos nito" sagot nya ulet tumango nalang ako sa kanya, nasanay na din ako sa kanya na ganyan yung pakikitungo nya sakin kaya minsan napagkakamalan kaming mag jowa eh. ewan ko ba kung bat nya natitiis ang ugali ko kahit lagi akong masungit sa kanya, di lang pala sa kanya pati na sa lahat kaya nga minsan wala akong nagiging kaibigan dahil sa ugali ko. Si Nicolo lang talaga ang nagiisang kayang tumiis ng ugali ko. 12:00 pm na, at tapos na ang orientation kaya halos lahat ay naguuwian na dahil ayun lang gagawin namin sa ngayon. "Tara na, Kain na tayo" Sabi ni nicolo "Saan ba tayo kakain?" tanong ko "Saan ba gusto mo?" sagot nya "Sa jollibee nalang para malapit lang, tara libre ko" sagot ko, para din pambawi sa mga pagsusungit na ginagawa ko sa kanya araw araw. narinig ata ng mga kasama namin ang paguusap namin kaya, inasar nila kami na magdedate daw. "Wow, himala di ka galit ngayon ha" bulong nya sakin "Tss, tara na!" at agad ko nalang syang hinila sa kamay para umalis na. "yieeeeeee" rinig kong sigaw ng mga ka banda namin. nagulat sya sa ginawa ko sa kanya kaya nagpahila nalang sya sakin. Syempre ano pa nga ba edi nakatingin na naman sa amin ang mga estudyante na nakakasalubong namin. Pagkapasok namin ay humanap na agad kami ng mauupuan at nagpresinta na syang magorder kaya binigay ko nalang yung pangbayad dahil nga libre ko. "Ano gusto mo?" tanong nya sakin "One piece chicken w/ rice tsaka fries at float nalang" sabi ko sa kaya "sige, hintayin mo nalang ako ah" ngumiti sya sakin" habang inaantay ko si nicolo ay kinuha ko nalang ang cellphone ko para mag f*******: muna, may isang message dun kaya tinignan ko kung kanino galing. Kenneth Mendez: hi, scarlet! Si kenneth ay isa din naming kabanda parehas sila ni Nicolo na gitara ang hawak. Scarlet Ramirez: Hello, bat di ka nagpakita kanina? bukod kay Nicolo, Isa din si kenneth sa mga kaclose kong lalaki. Nakilala ko lang din sya kay Nicolo nung bagong sali palang ako sa banda. Kenneth Mendez: nagkasakit kase ako, bakit miss mo na ako? Scarlet Ramirez: aw, getwell! ganyan ba kapag may sakit masyadong feelingero? Natatawa nalang ako na nireplayan sya, nagulat ako dahil naka upo na harap ko si Nicolo at mukang galit dahil kanina pa ata nya ako kinakausap. "Sino ba yang kausap mo? kanina pa kaya kita kinakausap" tanong nya sakin. "Sorry, Nagtext kase si kenneth" sabi ko at nag peace sign nalang. "Sabi nya kaya di daw sya nakapunta kase may sakit sya" paliwanag ko sa kanya. "buti pa si kenneth nakakausap ka ng maayos" nagtatampong sabi nya "Kumain na nga lang tayo para makauwi na" pagiiba ko ng usapan. pagtapos naming kumain ay sabay na kaming umuwi. "Salamat sa libre!" malungkot na sabi nya. "Eh bat ka malungkot?" tanong ko "Ah wala, sige na pumasok kana sa inyo" ngumiti lang sya at naglakad na pauwi sa kanila. Pagkauwi ko ay dumiretso agad ako sa kwarto para magpahinga. At tinext ko si Nicolo para tanungin kung ayos lang ba sya. To: Nicolo ok kalang ba? naguluhan ako sa lalaki na yun, pagtapos kase namin kumain ay tahimik nalang sya at kapag may tinatanong ako at tango lang ang sagot nya. weird. nagreply sya sa text ko sa kanya from: Nicolo hm, oo ayos lang ako. To: Nicolo sure ka ha, ang weird mo kase kanina eh. di pa naman ako sanay na di mo ako iniinis. from: Nicolo oo, sorry. :) binasa ko ang kanyang reply at pinatay ko nalang ang phone ko at bumaba na para maligo at para makatulog na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD