Jade's POV "Bro, natatandaan mo yung babaeng lagi kong katext at madalas kong puntahan sa bar?" sabi ko out of nowhere kay Kide na naglalaro sa kanyang cellphone at naka-indian sit sa kanyang higaan. "Hm. Si Uren, right?" saglit niya akong tinignan na tila naninigurado. Tumango tango ako. "What's with her?" "Medyo magulo kasi" napakamot ako sa aking batok. "I met a guy who had the same face as her-- I mean, di naman, eksaktong eksakto yung itsura nila pero magkamukha talaga sila" "So, may twin brother siya?" napabuntong hininga ako. "I don't know" pumahiga ako sa kama ko. "Samahan mo ko sa bar mamaya?" "For what? Alam mo namang ayoko sa mga ganung lugar" napansin ko ang pagkunot ng noo niya. "Gusto kong makilala mo si Uren" napabuntong hininga siya't binitawan ang kanyang cellphone.

