Jade's POV "May chance ba na may kakambal ka?" nanlaki ang mga mata ni Uren. Nandito na kami ngayon sa harap ng apartment unit nila. Dating gawi, hinatid ko siya pauwi. "A-ah, meron" sagot niya. "Lalaki" So kakambal nga niya yung kaklase ko.. "Anong pangalan?" napakamot ako sa gilid ng baba ko. "L-Lauren" saka siya ngumiti. "Kapatid mo pala iyon. Kaklase ko iyon eh" pagbibigay ko sa kanya ng inpormasyon. "Talaga? Nako, maganda iyon. Kaibigan mo naman siguro siya no?" bigla akong napaiwas ng tingin. Patay. "O-oo, magkaibigan kami" pagsisinungaling ko na tila ikinataka niya. "Bakit?" "W-wala, mabuti at may kaibigan siyang kakilala ko. Di kasi kami magkasama sa bahay eh" paliwanag pa niya. "Pinili nyang magstay sa bahay ng parents nyo.." sabi ko. Nakwento kasi niya sa akin ang tungk

