Jade's POV Isang linggo na lang at graduation na namin. Maayos na ang lahat sa amin ni Lauren. Nakaranas kami ng kutya at iba't ibang kumento sa school matapos kumalat na kami na pero dahil sa mabuting kalooban ni Lauren, kinaya namin na di patulad ang mga iyon. "May ipapakilala ako sayo ngayon babe?" sabi ko matapos kong sunduin sa apartment unit si Lauren. Wala siyang pasok ngayon sa trabaho dahil sabado. "Sino?" pagtataka niya. "Yung lagi ko sayong kinukwento. Si Claire" tumango tango siya. Dati rati tuwing naikwekwento ko si Claire sa kanya, lagi siyang nagseselos pero lately hindi na siya nagseselos na ipinagtataka ko. "Nagseselos ka pa rin ba sa kanya?" "Hindi na. Kasi nakaraan mo na siya saka ako na ang mahal mo, diba?" napangiti ako sa sinabi niya. "Ikaw lang ang mahal ko" sa

