Celes' POV
"Baks sama ka?" tanong ko kay Lauren habang nagsusuklay.
"Saan? Kailangan ko umuwi ng maaga, may pasok pa ako mamaya" may kahinaan niyang paliwanag.
"Sa gym lang ng school tayo pupunta, oa nito" pinunasan ko ng panyo na may pulbo ang mukha ko para magmukha akong fresh. Hinagod hagod ko ito sa mukha ko hanggang maging pantay at maging natural lang.
"Ah, bakit? Anong meron?" pagtataka niya.
"Aawra malamang! Kainis to ang boba" inayos ko na ang uniporme ko saka ako tumayo sa upuan.
"Ay sige, tara sama ako" napailing ako sa tugon niya. Kita mo to, pabebe pa, sasama din naman pala.
Matapos namin mapagdesisyonan na pumunta sa gym ay patakbo kaming nagtungo dito. Umupo kami sa upuang di kalayuan sa harap.
"Go Kyledge" sigaw ko sa lalaking may hawak ng bola. Fvck!
"Kyledge?" napatingin sakin si bakla ng may pagtataka. Kainis! Bakit ko nabigkas yun!!
Kyledge. Yan yung ginawa kong nickname sa kanya dahil gusto kong magkaroon ng tawag sa kanya na AKO LANG ANG TATAWAG.
"Shh.. Nagkamali lang" napakamot ako ng ulo.
"Pasigaw sigaw ka pa, mali naman pala baks" natatawang kumento ni Lauren.
"Ok lang, maganda pa rin naman akes" binelatan ko siya. "OMO! Ang galing mo Kide"
"Nakashoot lang, magaling na" pambabara ni Lauren. Why so epal?
"Shut up ok? Shut up. Epal masyado eh" saway ko. Napailing na lang ito ng bahagya pero sumunod din naman sa sinabi ko.
Sa kahabaan ng laro, napapansin ko ang pagngiti sakin ni Kide. Ewan ko ba pero alam kong para sa akin talaga yun.
Tinignan ko si Lauren sa tabi ko at ang bakla aba papikit pikit na na tila inaantok. Wala talagang kwenta to minsan.
"Celes" napabaling ako sa harapan ko. Si Kide nakalapit na pala sa akin.
"Hi" bati ko sa pawisang binata.
"Salamat sa cheer ha, anyway ano yung tinawag mo sakin kanina?" bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil narinig niya pala ang sinabi ko.
"K-Kyledge" napakamot ako ng batok.
"I like it, ang cute. Yun na lang itawag mo sakin kung gusto mo" nakangiti niyang sabi. O-M-G! Totoo ba ito? Nagustuhan niya iyong nickname ko sa kanya?
"S-sige, Kyledge na lang itatawag ko sayo" may hiya kong sagot na tunugunan naman niya ng mas malaking ngiti. Weg keng genyen, beke meheleg eke seye.
"Sige sige, kita na lang tayo sa labas, maglilinis lang ako" paalam niya saka patakbong lumapit sa mga kasama niyang nagpractice ng basketball.
"Bakla tama ba yung nakita at narinig ko?" napatingin ako kay Lauren. "Ganun kayo kaclose? Diba ilang araw pa lang simula nung nagkakilala kayo?"
Tumango tango ako habang nagpipigil ngumiti.
Kilikilig ako.
"Mygad! Paano?!" di makapaniwalang tanong ni Lauren.
"Well, sa dalas namin magkasalubong sa hallway, di maiiwasang hindi kami makapagkwentuhan at dahil pretty ako, ayan mukhang bet-a-max niya ako" tinaas taas ko ang mga kilay ko habang nakangiti.
"Grabe. Iba talaga level ng kapokpokan mo bakla" kumento niya saka ko siya binatukan.
"Charm ang tawag dun hindi kapokpokan"
Kide's POV
"Dude ang bait mo masyado, pati bading kinakaibigan mo" natatawang kumento ng isa sa mga ka-team ko sa basketball.
"Oo nga dude, mukhang close kayo nun ah, may pacheer cheer pa siya sayo" gatong pa nung isa habang naiiling iling.
"Bawal na ba silang makaclose? Masaya kayang kasama ang mga bakla, nakakatuwa sila't palakaibigan" paliwanag ko saka ko hinubad ang pang itaas ko. "Shower muna ako"
Ano bang problema nila sa mga bading? Kung makapagsalita sila tila hinuhusgahan na nila yung tao.
Matapos kong gawin ang mga gagawin ko ay lumabas na ako sa gym. Nakita ko si Celes at ang kasama niyang nakaupo sa isang mahabang upuang kahoy di kalayuan sa pintuan ng gym.
"Celes" tawag ko dito saka sila sabay na lumingon sa akin.
Nginitian ko ang mga ito saka patakbong lumapit.
"Ay nga pala Kylegde.." di na niya natapos ang sasabihin niya dahil sa pagtawa ko. Kyledge..
Ang cute ng pagkakabigkas niya ng Kyledge.
"Anong nakakatawa? May nagjoke ba?" umiling iling ako saka tumigil sa pagtawa. "So yun na nga, ipapakilala ko sayo ang bff ko. Si Lauren, nga pala kaklase namin si Jade Joshua, yung kakambal mo, nakalimutan kong banggitin sayo nung nakaraan"
Tumango tango ako. "Close nyo si utol?"
"Hindi eh" may tila pagkadismaya ang tono ng boses niya. "Anyway wag na natin pag-usapan yun, uuwi ka na ba? Sabay sabay na tayo"
"Oo, sige tara" nagsimula na kaming maglakad.
Matapos ng mahaba habang kwentuhan at byahe, nakauwi na rin ako sa wakas.
Grabe tawa ko kanina. Parang ngayon na lang ako ulit natawa ng ganun.
"Nandito na ko" wika ko matapos makapasok sa kwarto namin ng kakambal ko. "Aalis ka?" baling ko sa kanya ng mapansin kong bihis na bihis ito.
"Oo, may sisilayan lang" sagot ni Jade.
"Nakamove on ka na talaga kay Claire?" pagtataka ko saka ko inilapag ang mga gamit ko sa kama.
"Tama na yung dalawang linggong sinayang ko kakaiyak sa kanya. Nangyari na ang nangyari. Ginusto niya yun" may diing sabi niya. Bahagya akong napailing dahil sa tono niyang mayroon inis at dismaya.
Sabagay sino bang hindi madidismaya, pinagpalit ka ba naman sa mukhang adik. Kahit ako, madidismaya kung ganun.
"Nga pala bro, bakit hindi mo kinukwento sakin na may mga kaklase ka palang masasayang kasama" umupo ako sa kama ko saka inalala ang mga nangyari kanina. Kakaiba ang tandem nung dalawang iyon, sobrang nakakatuwa sila.
Nakangiti kong kinuha ang isang kahon sa ilalim ng kama ko saka nagkalkal ng mga lumang litrato.
Di ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at nagkalkal ako ngayon ng mga lumang litrato pero tila may naghuhudyat sa akin na gawin iyon.
"Huh? Sino?" pagtataka niya habang nakaupo at patuloy na nagsusuklay sa harap ng salamin.
"Sila Lauren at Celes, nakakatuwa silang kasama swear" papuri ko sa mga naturang pangalan.
Bahagya akong nagulat ng padabog niyang ipinatong sa maliit na lamesa ng salaminan ang suklay na hawak niya. Napatingin ako sa kanya dahil dito.
Pumaikot siya sa upuan para makaharap sa akin. "Bading ka ba? Bakit mo kinakausap ang dalawang baklang yun?"
Biglang kumunot ang noo ko. "Anong problema sa kanila? Masama ba ang maging bading? Tao din ang mga yun bro, wag mo sila bababaan ng lebel dahil lang sa bading sila"
"Dude di ko naman sila binababaan ng lebel, di lang kasi maganda sa paningin" inayos nya ang laylayan ng pantalon niya.
"Dahil ba dito kaya ayaw mo sa kanila?" saka ko pinakita ang litratong nahanap ko. Litrato namin to noong bata pa kami. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya ng makita ito saka napatayo.
"Ilayo mo nga sa akin yan" bahagya siyang umatras na tila diring diri.
"Hahaha! Dude ang cute natin dito no? Hahaha, di ko akalain na ganito pala tayo kaganda pag naging babae tayo" natatawa kong kumento.
"Shut up!" iritado niyang sabi.
"Bakit? Totoo naman na ang cute natin dito ah, tignan mo kasi dali" tumayo ako sa kama saka lumapit sa kanya.
"Wag kang lalapit! Aalis na ko" patakbo siyang lumabas ng kwarto namin.
Hay. Sabi ko na nga ba hindi pa rin siya nakakamove on dito eh. May trauma pa rin siya dahil sa ginawa sa amin ni mama.
Hindi na rin ako magtataka kung bakit siya galit sa mga bading. Feeling niya kasi isang kahihiyan at kaimoralan ang pagiging bading dahil sa mga pinagawa sa amin ni mama noong bata pa kami.
Pinakatitigan ko ang litrato namin ni Jade noong bata pa kami. Parehas kaming nakawig pangbabae, nakadress, may light make up at nakasandals sa litrato.
Kahit sino siguro ang tanungin ukol dito, iisipin nilang babae talaga ang nasa litrato
Napakamot na lang ako ng ulo ko habang pinagmamasdan ang litratong hawak ko.
"Ang cute naman namin dito ah" kumento ko saka bahagyang napatawa.
Matatanggap mo rin to Jade.