Chapter 1

1656 Words
Lauren's POV Kainis! Tapos na iyong first subject! Bahagya ko muna ikinalma ang sarili kong kanina'y hingal na hingal kakamadali bago ako nagtungo sa pwesto ko. "Oy bakla, bakit ka late? Lunes na lunes late ka" salubong sa akin ni Celes saka prenteng umupo sa lamesa ng arm chair ko. "Traffic kasi baks, tignan mo nahaggard ang pretty kong mukha" saka ko dinampi ang panyo ko sa makinis kong mukha. Ang totoo nyan, wala talagang traffic. Ayoko lang sabihin na nakalimutan kong mag-alarm matapos kong magpuyat kagabi dahil sa pagi-stalk kay Jade Joshua, ang long time crush ko. Dahil for sure sasabihan na naman ako nitong baklang to ng malandi, which is medyo totoo naman. "Baks wag kang sinungaling pwede?" inilapit niya sakin ang tila iritado niyang mukha at agad ding inilayo. Don't tell me, alam niya ang ginawa ko? Paano niya nalaman? "Hindi ka maganda" Yeah right! Ayaw na ayaw niya nga palang naririnig na sinasabi kong maganda ako dahil sabi niya sa akin, rank 2 lang daw ako sa larangan ng pagandahan at sino pa nga ba ang mangunguna? Edi ang assumera kong bff na si Celes. "LAUREN SARMIENTO!" agad naagaw ang atensyon namin dahil sa tawag ng class president namin kasama ang isang babaeng kilalang kilala ko. Ano na naman kaya ang kailangan ng babaeng ito sakin. "Hoy p****k, anong ginawa mo at tinatawag ka ng bruha?" usisa ni Celes. "Anong alam ko? Kakarating ko lang kaya" sagot ko saka ako tumayo at lumapit sa kinaroroonan ng class president namin. "Tawag ka niya" sabay turo ni pres. sa babaeng katabi niya. Agad kumunot ang noo ko dito matapos pagtuunan ng pansin ang babaeng tumatawag sa akin. Wala na naman ba itong baon at ako ang kukulitin? Tinanguan niya lang ako saka siya nagsimulang maglakad na sinundan ko naman. "Anong kailangan mo?" naka cross arms kong tanong matapos namin makalayo sa classroom. "Wala akong kailangan sayo kuy-" di na niya natapos ang sasabihin niya dahil agad ko itong pinutol. "Try mo kong tawaging kuya, di kita bibigyan ng pera sa weekends" pananakot ko kay Eyli. Siya ang nakababata kong kapatid-- malditang kapatid. "Sorry naman, anyway pumunta ako dito sa room mo dahil kinukulit ako ni mamang pauwiin ka sa bahay. May sasabihin daw siya mahalaga" paliwanag niya. Sa tono ng pagpapaliwanag niya, halata kong iritado din siya. Yung matandang yun talaga, ano na naman kaya ang kailangan niya. "Yun lang ba?" tumango tango siya. "Kamusta na kayo ni Jash? Nag-aaral ba kayo ng maayos?" "Ako oo, si Jash ayun puro babae ang inaatupag" nagroll eyes siya. "Nako kayo talaga, sabihin mo nga dyan sa kapatid mo na paghindi matataas ang grades niya ay wala siyang perang makukuha galing sakin" saka ako bahagyang natawa sa saludong itunugon niya. "Sige na umalis ka na at baka malate ka pa sa klase mo" Matapos ang usapan namin ng kapatid ko ay umalis na siya, ako naman ay pumasok ng muli sa classroom namin saka muling umupo sa upuang nakalaan sa akin. "Anong pinag-usapan nyo nung kapatid mo? Nanghihingi na naman ba ng sustento? Aba kung tampal tampalin ko kaya siya" kumento ni Celes na nakaupo katabi ko. Ang chismosa talaga nito. "Grabe ka naman baks sa kapatid ko, hindi naman siya nanghihingi, pinapauwi daw ako ni mama" sabi ko saka pumalumbaba. "Yang bruha mong nanay, malamang baka buntis na naman yan kung kaninong lalaki, nako talaga napakakati nyang ina mo" giit pa niya na bahagya kong ikinatawa. Sa tagal na namin kasing magkaibigan ng baklang ito, halos buong buhay ko alam na niya at sa aming dalawa, siya pa ang galit dahil sa nangyayari sa akin. "Baks magtigil ka nga, kung makareak ka naman kala mo nasa teleserye ka" tinaasan ko siya ng isang kilay. "Alam mo bilang kaibigan mo, ako na ang nagrereact para sayo kasi ang chaka mo magreact, walang kaemo-emosyon" finlip pa niya ang kanyang imaginary hair. Napabuntong hining na lang ako't bahagyang napailing dahil kay Celes. "Hoy Jash ikaw puro daw babae ang inaatupag mo, totoo ba?" tanong ko sa isa ko pang kapatid habang naglalakad kami papunta sa bahay na tinitirahan nila. Nila lang, di naman na kasi ako nakatira sa bahay. "Baka, di nga ako nag gu-girlfriend" inilagay niya ang dalawa niyang kamay sa likod ng kanyang ulo. "Di nga nag gu-girlfriend panay naman ang awra sa ibang section" singit ni Eyli. "Eyli naman eh! Kala ko ba kampi tayo? Nanlalaglag ka naman eh" bahagyang nagpout si Jash. Itong dalawang to talaga. Parang mga bata. "Aba aba may pag-awra na kayong alam ha, diba grade ten lang kayo? Kinabog nyo pa kami ni bakla na grade twelve na" kumento pa ni Celes. "Eh ano sayo. Saka bakit kasama ka?" tinaasan ni Eyli si Celes ng isang kilay. "Dahil pretty ako, angal ka?" may diing sagot ni Celes saka pinandilatan si Eyli. Hay nako! Lagi na lang tong dalawang to nagtatalo, di na nagbago. Hanggang makarating kami sa bahay, nagbabangayan yung dalawa na tila aso't pusa. "Buti at umuwi ka Lauren" bungad ni mama matapos namin makapasok sa bahay. Umupo kami nila Eyli sa mahabang sofa ng magkakatabi habang kaharap namin si mama. Luminga linga ako sa paligid ng bahay. Nasan kaya ang ibang mga anak nito? Maaga pa para matulog ah? "Ano bang kailangan mo ma?" seryoso kong tanong matapos ituon ang tingin sa kanya. "Aba ang strong sumagot ni bakla oh" rinig kong pabulong na kumento ni Celes sa tabi ko. "Anak kasi, b-buntis ako" tila may alinlangan niyang sabi. Again and again? Di ba siya nagsasawa. "Expected" napatingin ako kay Eyli na nakatingin sa kawalan. "Ano pa nga bang bago" kumento din ni Jash na katabi niya. "Like what I've said" siniko ko ng bahagya si Celes. Itong baklang to talaga feeling commentator. Kota na siya kakacomment. "Eh anong gusto mong gawin ko?" kalmado kong tanong. "Gusto kong bumalik ka dito para matulungan mo kong magpalaki sa mga kapatid mo" paliwanag niya. No thanks! Ayoko sa bahay na to, ayoko makakita ng ka-imoralan na nangyayari dito. "Kukunin ko na lang si Eyli at Jash kung gusto mo, ako magpapa-aral sa kanila pero the rest na anak mo, ikaw na ang bahala dyan" tumayo ako sa kinauupuan ko saka nagsimulang maglakad palabas ng bahay. Alam kong pabor kay mama ang gagawin ko, mawawala si Eyli sa puder niya, wala na siyang proproblemahin na makikipagtalo sa kanya tuwing may iba siyang lalaki bukod sa asawa niyang martir na nagtratrabaho ngayon sa ibang bansa. Ewan ko ba! Simula ng mamatay ang tatay namin ni Eyli ay naging ganyan na si mama, iba iba ang kinakalantari niya pag wala ang asawa niya, at ito namang asawa niya ayun! Hinahayaan. Keso daw mahal niya si mama, ect. Isang buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong makalabas ng bahay. Alam ko sa mga oras na to, nasa likod ko si Celes. Di naman kasi ako papatahimikin niyang baklang yan. "Diba yung bruhang si Eyli lang ang totoo mong kapatid? Bakit sinabit mo pa yung lalaki? Anak ng asawa ng mama mo yun sa iba diba? Don't tell me--- yuck bakla ha! Child a***e ka" agad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Siraulo talaga to! "Alam mo baks, di ko alam kung kaibigan ba talaga kita. Masyadong madumi utak mo, besides hindi na rin iba sakin si Jash, kapatid ng tunay ang tingin ko sa kanya kaya shut up na ok?" tila aso naman siyang tumango tango habang nagpipigil ng tawa. "Para kang t*nga, baka mautot ka dyan kakapigil mo ng tawa" "Kasi naman, kahit magpaliwanag ka't magseryoso dyan hindi ko alam kung bakit mas maganda pa rin ako sayo" tatawa tawa niyang kumento saka ako hinagod sa likod. Kainis to ah! Celes' POV "Hoy bruha, magpakabait kayo dyan sa kuya nyong bakla at baka biglang magpabuntis yan di na kayo alagaan" pabiro kong bilin ko sa kapatid na babae ni Lauren matapos namin makarating sa tinitirahang apartment ni bakla. "Ikaw lang di mabait satin no" may pagkamaldita sagot niya. Nako, nako! Kahit kailan talaga itong babaeng to. Gigil niya ko. "Atleast ako maganda, eh ikaw?" nginisihan ko siya. "Atleast ako may matres, eh ikaw?" napaawang ang bibig ko dahil sa sagot niya. Aba't talaga nga naman! Bastos. "Che! Napakabastos mong bruha ka" tinalikuran ko na siya. "Excuse me, can I know your name? Kanina ka pa namin kasama pero di kita kilala" napabaling ako sa kapatid ni Lauren na lalaki. Step brother niyang gwapo kaso bansot. Oo nga pala, di ako nito kilala. Si Eyli lang ang nakakakilala sa akin dahil madalas itong nanghihingi noon ng baon sa kuya niyang bakla dahil di siya binibigyan ng makati nilang nanay. Paano naman kasi siya bibigyan, eh minamalditahan niya yung nanay nila. "I'm Celestia Rydia Lufia Liz, bff ako ng chaka nyong kapatid" sagot ko habang nakangiti ng wagas. "Seryoso ka sa pangalan mo? Medyo weird ha" napakamot siya sa ulo niya. "Tuwing gabi niya lang pangalan yan, John Celes Avestrano ang totoo niyang pangalan" singit ng chakang bakla. Magkapatid nga sila. Panira lagi! "Bastos ka din Lauren eh no" nagpacute ako sa harapan niya na tila nagmamaktol. "Peace lang bessybells anyway salamat sa pagsama, sige pasok na kami" paalam niya na tinanguan ko naman. Nagsimula na akong maglakad papuntang sakayan saka sumakay papunta sa village namin. Matapos kong makasakay sa bus, humanap na ko ng mapwepwestuhan at sakto naman na merong bakanteng upuan katabi ng kakambal ng crush ni Lauren. Lucky! Umupo na ako dito, syempre pabarbie lang ako. Mahinhin effect. Nasa kahabaan pa lang kami ng edsa ng maramdaman kong may biglang bumagsak sa balikat ko. OMG! Nakasandal na sa balikat ko ang ulo ni Kide Joshua. Nasabi ko na ba sa inyo na nakakalaglag panty ang kagwapuhan ng lalaking to? Kung hindi pa ayan alam nyo na. Habang nakasandal siya sa akin, naririnig ko ang mahina niyang hilik. Sh*t! Ang cute niya ang sarap iuwi! Nako Celes maghunos dili ka! Makalipas ang ilang minuto bigla siyang bumangon. "Nakatulog pala ako" nagkusot kusot siya ng mata niya saka bumaling sa akin. "Sorry sa pagdantay" Napalunok ako dahil kasabay ng paghingi niya ng sorry ay nginitian niya ako. "O-ok lang" nginitian ko rin siya. Napatingin siya sa suot kong uniform saka muling nagsalita. "Mukhang same school lang pala tayo. Anyway you are?" nakaturong tanong sakin. "Celes" iniabot ko ang kamay ko sa kanya. "Kide" tinanggap niya ang kamay ko saka siya nakipagshake hands ng nakangiti. Ang gwapo niya sobra!! OMG! OMG! Sorry Lauren, mukhang mauuna pa ko magkalove life sayo. Why? Cause I'm pretty.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD