Noong sumunod na araw ay naging tampulan ako ng tukso sa opisina dahil sa nangyari doon sa meeting, expected ko na ito, siguradong-sigurado akong pag-piyestahan ako ng mga katrabaho.
“At oo, alam niyo ba ang sinabi ni Sir Kairus?” Nanatili silang interesado sa pinag-uusapan at talagang nakisali pa roon si Seirra.
“Ano, Engineer? OMG!”
Marahas na lang akong napailing sa nakikita. Nakuha pa nila akong pagtsismisan kahit sa harapan ko mismo.
“Kalimutan na raw ang nangyari, huwag na raw muling i-open up kung hindi siya raw ang makakalaban namin.”
Buong araw akong pinag-aasar ng mga katrabaho dahil doon. Habang sila ay nagtatawanan ay minabuti kong isubsob ang sarili sa trabaho, madami-dami iyon kumpara sa mga unang buwan ko rito.
Kakapasa ko lang sa licensure examination ngayong taon ding ito at pagkatapos ng isang buwan ay personal akong ipinasok si Engineer Dionysus sa firm.
I am more than 6 months on this but I am getting the used of it. Hindi ko naman mamaliitin ang pinasukan kong paaralan sa kolehiyo, maayos ang kalidad ng edukasyon at mas naka-focus ang paaralan sa kursong Engineering.
Napabaling ako kay Engineer Diony, iniisip ko na naman ang laki ng utang na loob ko sakanya. Matagal na siya sa larangang ito at masasabi kong napakagaling niya talaga. He's thirty-two pero sa sobrang galing niya ata ay nai-intimidate na ang mga babae sakanya kaya hanggang ngayon ay wala pa siyang asawa.
Then, my eyes darted at Sierra, may sarili silang kompanya at kung iisipin ay dapat doon na lang siya nagtrabaho o kaya kumuha ng kursong konektado roon pero ito ang pinili niya. But then, Sierra is excellent on this. Her ideas are exceptional! Kaya lang kung palagi nila akong aasarin ay baka ayawan ko sila nang tuluyan.
“Aw! ‘Yung bestfriend ko nagseryoso na lang tuloy rito,” bungad niya nung nagtangkang lumapit sa mesa. Tapos na ang chikahan at tawanan kaya napagbalingan na naman nila ako ng pansin.
“Tapos na kayong asarin ako?” Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa-tawa pa siya bago kumuha ng swivel chair at itinabi iyon sa akin.
“Nakakapagtaka, ‘no?” Mabilis lang akong nag-angat nang tingin. “Paanong pinagtanggol ka niya sa board members kahapon para hindi ka nila pagtawanan? Hindi kaya–” Sinuklian ko ang mga sabi niya nang isang matalim na titig.
“Alam ko kung saan ito pupunta, Sie.”
Umiling-iling ito, tila ba siguradong-sigurado sa sinasabi at hindi magpapatalo. Hindi ko rin kasi nagawang maikwento sa babae ang nangyari sa labas mismo ng condo ko kahapon. If I did, nako, mas hindi patutulugin ang babae sa sobrang kakulitan at pakikiusyoso.
“Nararamdaman ko, Elle.” Napigtas ang pasensya kong kanina ko pa hinahawakan sa sinabi niya.
Padarag kong sinarado ang laptop kaya napasinghap siya. “Hindi ba naramdaman mo rin, Sierra, na kami ng dalawa habangbuhay? Eh, bakit hindi? Hindi ba naramdaman mo rin noon na hindi niya ako lolokohin? Eh, bakit niloko niya pa rin ako?” Nanginginig na ang boses ko nang hinarap ako ni Sierra at dinaluhan.
“I'm sorry, Elle.” Nagtuloy-tuloy ang pag-alu nito sa akin pero hindi ko na iyon ininda. Huli na para magmukmok at isipin pa ang nakaraan.
Mayamaya ay naging seryoso na rin sa trabaho ang mga tao roon, kanya-kanyang mesa at titig na titig sa kanya kanyang laptop. Tsine-check ko ngayon ang lahat ng design na ibinigay ng H&H at totoong maayos ito. Tsinek ko rin ang mga sukat gayong alam ko namang imposibleng may mali pa iyon.
“Elle, saan ka after?” tanong sa akin ni Sierra nu’ng namataan niyang inaayos ko na ang mesa, nag-aantay umuwi.
“Hindi ko alam, eh, grocery?” Bigla kong naisip ang ref kong puro pitsel ng tubig na lang ang laman. Siguro ay kailangan ko na din munang mamili para roon.
“Ganoon ba? I’m sorry, Elle. I can’t go with you. Gusto sana kita samahan kaya lang si Mommy, eh.”
Mabilis ko siyang tinanguan, saka ngumiti. Naiintindihan ko naman siya, minsan nga ay naaawa din ako dahil pakiramdam ko minsan ay nasasakal na rin siya. Akala kasi naming dalawa ay makakapamuhay kami independently noong nakapagtapos pero siya ay naiwan sa bahay nila. Nalungkot kami sa bagay na iyon pero wala naman kaming magagawa. Ang gusto ng parents niya ay iyong safety niya parin lalo na't masyadong malaki at kilala rin ang kompanya nila.
“Intindihin na lang natin, Sie. Sa susunod, baka makapamasyal ulit tayo!” Sinubukan kong pagaanin ang mood hanggang sa sabay na kaming bumaba. Natawa ako nu'ng nagdabog pa siya nang makita niyang may driver talagang susundo sakanya.
Nangiti ako noong naisip na hindi pa rin talaga nagbabago si Sierra. Mas naging dedicated siya ngayon sa trabaho, pero siya pa rin iyong Sierra na nakilala ko noong kolehiyo.
Nagsorry pa siya dahil hindi niya na ako mahahatid sa mall at nag alala rin siya sa pagko-commute ko.
Pagkalabas ko ng building ay inilibot ko ang mata sa kung saan ako pwedeng sumakay. Nakakita ako ng tricycle at pinara iyon, mas mabuti na siguro iyon para makatipid tutal may malapit naman ditong mall. Isa pa, nakaslacks naman ako kaya walang magiging problema.
Sampung minuto pagkatapos ng alas singko ng hapon ay nasa mall na ako. Natuwa ako dahil mahaba haba ang oras ko para mamili ngayon. Sa entrance palang ng mall ay may nahagip na akong lalaking nakatuxedo.
Agad na napaawang ang bibig ko noong maisip na maaaring siya iyon kaya kinusot ko ang mata ko. Sa pagdilat ng mata ay wala na nga si Kairus sa paningin ko, nakahinga ako nang maluwag. Hindi ko alam pero nawawala lang ako sa mood kapag nandyan siya. All the memories that I really tried to forget keep on haunting me. Tila mga zombie na naghahabol sa akin ngayon.
Tumigil ako sa tapat ng isang boutique noong makilala ko ang taong naroroon, nakita ako agad ni Kael kaya agad itong kumalas sa pagkakahawak nito sa mommy niya at tumakbo patungo sa akin. Pansin na pansin ko ang mabilis na pagtangkad niya, anim na taon pa lang ito pero labis na matangkad siya sa kanyang edad. Niyakap niya ako at agad na nagpakarga. Pinaunlakan ko iyon at saka kinawayan si Ellise at Joaquin.
Nakapila itong si Ellise sa nasabing boutique kaya hindi agad ito nakalapit sa akin. Kitang-kita ko kung gaano kaganda ang suot na isang fitted na off shoulder dress ang suot niya nagpapakita ng mga kurba nito. Ang sexy-sexy niya, hindi mo mahahalatang anak niya itong makulit na si Kael.
Ngumingisi akong pinuntahan ni Joaquin. “Bagay sayo. . .” Tinutukoy niya ang posisyon kong karga si Kael. “Mag-asawa ka na kasi.”
Humagalpak siya ng tawa. Tuwing magkikita kami ay palagi niya na lang akong tinutukso, ang sabi niya ay matanda na raw ako kaya maghanap na ako ng boyfriend. Pangit daw iyong wala akong inspiration.
Ngumuso lang ako sa asar niya, magkaharap kami ngayon sa labas nitong boutique habang karga ko si Kael. Imposible iyang sinasabi niya. Hindi ko pa nagagawang isipin ang bagay na iyan lalo pa’t wala pa akong isang taon sa trabaho.
Twenty-five pa lang naman itong si Joaquin pero kung pilitin akong mag asawa na ay para ko ng nanay.
Mas lalo tuloy lumalim ang aking pag-iisip. Buti pa itong si Joaquin ay halos mag aanim na taon na ring nagtatrabaho sa sarili nilang kompanya. Kung bakit kasi naabutan ako ng K-12 kaya nahuli tuloy ako kahit atat na atat na akong magtrabaho noon.
“Paano mag-aasawa yan, eh, wala ngang boyfriend!” Ginatungan pa nitong si Ellise ang asawa. Mas bata ito ng isang taon kumpara kay Joaquin.
Hindi ko man inasahan ay totoong masaya akong napatawad ko na rin ang dalawa at naging maayos na ang pagkakaibigan namin.
“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ellise?” Lumakas ang t***k ng puso ko. The voice is very much familiar, boses iyon ni Joaquin.
Hindi ko alam na naririto rin siya lugar at lalong-lalo na ang dahilan kung bakit ito nagsisisigaw.
“Ginagawa ko ang dapat, Joaquin. Bakit ba hindi ka naniniwala?” Mabilis kong nakilala ang boses na iyon. It was Ellise’s voice, Joaquin’s fling. Ilang beses ko na silang nahuling dalawa kaya hindi ko na kailangan pang lokohin ang sarili.
“Hindi ako maniniwala kasi wala lang yun Ellise! Si Eilythia ang gusto ko.”
“That is why, I’m telling her na sana kanina! Ano ba!”
Patagal nang patagal ay parang mas pasikip nang pasikip ang dibdib ko, napakahirap na para sa akin ang huminga.
“Wala kang sasabihin sakanya! Wala siyang dapat malaman because it is not mine!”
Malakas na hagulgol na ang sunod kong narinig kay Ellise. Hindi ko man magawang maintindihan ng buo ang pinag-uusapan ay parang nakadagan na sa akin ang napakalaking tioak ng sakit.
“Hindi ‘yan sakin at hindi ko ‘yan tatanggaping sa akin, Ellise. Tandaan mo ‘yan.”
Joaquin is my boyfriend back then noong nalaman kong nabuntis niya pala si Ellise. Tinago nila ito sa akin at ginusto ni Joaquin na ipalaglag ni Ellise ang bata. Hindi niya daw umano ito matatanggap. Halos magmakaawa siya noong tanggapin ko ang sorry niya.
“I'm sorry Jo, pero alam mong hinding-hindi rin kita mapapatawad kapag nadamay ang bata rito.”
Mula noon ay nagkamabutihan ang dalawa at natanggap din ni Joaquin ang bata. Humingi rin ng tawad si Ellise at naibigay ko naman iyon sakanya agad. Nakuha ko ring rason ang nangyari para tuluyang nakabitaw kay Joaquin at sa pamilya niya.
We had a toxic relationship back then at laking tuwa ko noong makitang maayos ang relationship at pamilya nila ni Ellise ngayon.
Hindi namin inasahan ni Sierra ang ganito pero sa huli ay naging masaya na lang kami para sakanila.
Nang maghiwalay ay mabilis kong tinapos ang pag-go-grocery dahil hindi ko rin ginustong maabutan ng gabi.
This is a long and tiring day, hindi ko alam kung sa trabaho ako napagod o sa pag iisip isip sa mga nangyare. Dere-deretso kong hinagis ang sarili ko sa kama. Iniisip kung ano pa ang pwedeng mangyare sa mga susunod na araw dahil tila ba mas lalong lumiit ang lugar para sa amin ni Kairus.
Nahihirapan akong isipin ang mga susunod na araw kasama siya pero alam kong kailangan kong simulan iyon sa pagtanggap — matagal na kaming tapos.
“Bakit ka pa bumalik, Kairus?”