Climax 12 Nakuhang iparada ni Regine ang kotse sa harapan ng simbahan. Ito ang lugar kung saan sila nag-isang dibdib ni Ric. Bumaba siya ng kanyang sasakyan at naglakad-lakad sa paligid ng nasabing lugar. Itinaas niya ang kamay at pinagmasdan ang kanyang kamay. "Dalawang wedding ring, Engagement at mismong wedding ring sa simbahan. Kahit gaano kamahal ang binili mong singsing, kahit gaano kagargo ang kasal natin. Lahat 'yon nawala. Pilit kitang iniintindi, ayokong iwan ka dahil ito ang pangako ko kay Mama Athena at Papa Ricardo ang aalagaan ka. Ang unfair mo naman, anniversary natin 'to Ric. Ito ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko. Bakit pinawalang bahala mo lang. Bakit hindi mo sabihin sa'kin kung may ibang babae ka? Nalilito ako sa'yo, kapag kasama mo ako. Pakiramdam ko

