Climax 15 Napabalikwas mula sa kinahihigaan si Regine. Nakaramdam siya ng sakit sa kanyang ibabang parte at tinignan niya agad ang oras sa cellphone. "Alas kwartro na." Nagmadali siyang bumangon at kinuha ang jacket. Nagtatakbo siya papasok sa kanyang kotse at hinihingal na sumandal. Nakakaramdam pa rin siya ng pagkakahilo at sakit ng ulo. "Dinamitan niya ba ako?" Pagtatanong ni Regine sa sarili. Napainom siya ng tubig at naalala niya ang kanyang ginawa. "H-hindi na ako nalalayo kay Ric. I'm a cheater too." Pagpatak ng luha niya at minabuting matulog sa loob ng kanyang sasakyan. Ilang oras nang nakababad sa bathtub ang binata, pikit ang mga mata nito at nag-iisip. Umaalingawngaw sa teynga at kanyang utak ang mga ungol ni Regine. "I did the same thing, we did. I slept with a married wom

