Chapter 4: Evil Plan

1168 Words
(Kimneth’s POV) I don’t know if what is on her mind lalo na ngayon that she is acting so weird. Ilang araw na siyang parating maagang umiwi lalo na pinaghahandaan niya na ako ng pagkain. Unlike before, hindi siya ganito. Pagkadating ko mula sa trabaho ay nadatnan ko siyang nagluluto ng aming pagkain. Lumapit ako at nagtatanong, “such a good dinner.” Niyakap ko siya mula sa likuran. “Mukhang masarap na man iyan,” bulong ko sa kaniya. Agad niya akong tinulak papalayo. “Ihahain ko na ang niluto ko,” pag-iiwas niya sa akin. Hindi ko na pinilit ang aking sarili at baka magbago ang kaniyang ngiti. Umupo ako kagaya nang ginusto niya. Ngumiti at kinausap ang pinakamamahal kong asawa. “Makukuha ko na ang pinamana sa akin ilang linggo mula ngayon.” Pagkasabi kong iyon ay lalo ko pang nasilayan ang ngiti niyang napakaganda. Hindi ko pa rin inalis ang pagkatitig ko sa kaniya. And I feel so weird mukhang may hindi magandang mangyayari. Hindi parin nagbabago ang kaniyang mood till we sleep together. Ipinikit ko ang aking mga mata pero ang diwa ko naman ay gising na gising. Hindi ako nagpahalata kay Ellai na nagpapanggap akong natutulog hanggang sa inalis niya ang kaniyang kamay sa pagyakap sa akin. Dahang-dahan kong minulat ang kaliwa kong mata na hindi niya napapansin. Kitang-kita ko kung paano siya tumayo, kinuha ang kaniyang telepono at parag may kausap siya. Nang bigla niang binaling ang pagtingin sa akin ay agad akong pumikit. (Ellai’s POV) Natutulog na ang mataba at mapera kong asawa. “May balita ka ba?” takang tanong ng aking kausap sa telepono. Tumango ako at bumulong. “Ilang linggo mula ngayon. Itutuloy natin an gating plano,” masayang sabi ko pa. “Naayos ko na ang kotse,” saad pa ni Reynold. Gulat ko namang sabi, “huwag mong sabihin sa bahay ka ngayon?” “Because I miss you.” Hindi ko na piglang mapangiti sa kaniyang sinabi. I turned to Kimneth at nilapit ang mukha ko sa mukha niya. “You are so worthless, kung hindi dahil sa pera mo hindi ako magtitiis gaya nito,” marahang bulong ko habang siya ay natutulog. Tumayo ako at lumakad sabay sabi sa aking kausap, “wait me Reynold, bababa ako.” Hindi na ako nagdalawang isip na umalis sa aming silid. “We will go to your condo?” tanong ko pa. Saad niya, “sure. Alam mo naman ang gagawin natin doon.” Having a hot night with this hunky guy. (Kimneth’s POV) Dinig ko ang ga katagang sinambit niya. Na hindi na talaga siya magbabago at pera ko lang ang mahalaga sa kaniya. Nang naramdaman ko na wala na siya sa aming silid ay hindi ako nagdalawang isip na sundan siya. Nagtatago sa sulok at tanaw ang pagtataksil ng asawa ko. Kahalayang ginagawa nila sa mismo kong bahay. Hindi na talaga sila nakaramdam nang hiya. Hindi ko na rinig ang buong unang pagsasalita nila ang alam ko lang ay patuloy ang pagtataksil ni Ellai sa akin. Sa sala ay naghahalikan silang dalawa ni Reynold. Hindi ako makagalaw sa galit at kinakain ako ng sarili kong hiya. Oo, ako ang nahihiya sa kanilang dalawa. Ilang pagkakataon pa ba ang ibibigay ko kay Ellai para magbago siya? Takam na takam ang asawa ko sa mga halik ng lalaking dapat ako ang nandoon kasi ako ang mas may karapatan. Hindi ba ako sapat para sa kaniya? Buong lakas akong humugot sa aking sarili sa mga salitang pwede kong isabi sa kanila. Bago gawin pa ni Reynold na tuluyang angkinin ang aking asawa. “Mga hayop!” Pagsisigaw ko mula sa aking kinatatayuan. Kitang-kita ko na nakahubad na ang pang-itaas ni Ellai habang si Reynold ay itinaas ang pantalon na iyon. “Nakita niya tayo,” saad nang nagtatakang lalaki. Dali-dali akong bumaba para suntukin ang halang na kaluluwa ni Reynold pero agad silang nagtakbo at pumasok sa sasakyan ng lalaki ni Ellai. “Bumalik kayo!” pagsisigaw ko pa. Agad ko silang sinundan gamit ang aking sasakyan. Nag-drive sa pinakamabilis na kaya ng aking sasakyan. Kapag nadakip ko ang dalawang ito, hinding-hindi na ako magpapauto at hihiwalayan ko na nang tuluyan si Ellai! -_-_-_- “Bilisan mo ang pagmamaneho!” pag-uutos ni Ellai sa lalaki nitong si Reynold. Inis naman na tugon nito, “kung bakit pa kasai nakita niya tayong dalawa.” Binaling ni Ellai ang pagkatitig niya sa sumusunod na sasakyan ni Kimneth. “Huwag ka nang sumatsat siyan! Bilisan mon a ang pagmamaneho,” tugon niya pa. “Sa susunod kasi mag-iingat na tayo. Baka iyong perang makukuha natin magiging bato pa,” pagpapaalala ng lalaki ni Ellai. Bigla naman siyang sinigawan ni Ellai. “Ako pa ngayon ang may kasalanan?” Mas pinili na lang ni Reynold na manahimik kaysa makipagbangayan sa taksil na Ellai. “Nagawa mo na baa ng ipinagawa ko sa iyo?” “Yung sasakyan ni Kimneth na kukuning ang preno?” saad niya. Patangong tugon ni Ellai, “oo, para mawala na ang matabang asawa ko sa landas natin. At magkakaroon pa tayo ng pera.” Nang makarating si Kimneth sa pakurbang daan ay agad nitong inapakan ang preno pero hindi gumagana. “Ano ang nangyayari?” pag-aalalang sabi niya na hindi na ito napapalagay. Ilang ulit na apak ang ginawa nito. Nakikita ni Ellai mula sa kaniyang kinauupuan kung paano gumewang-gewang ang sasakyan ni Kimneth. “Mukhang gumagana na ang iyong ginawa, Reynold.” Sa halip na makaramdam nang lungkot ay mukhang masaya pa si Ellai sa nangyayari sa asawa nito. “Hindi! Hindi!” Pagsisigaw ni Kimneth. Sa pagkakataong ito ay tuluyan na nawalan ng control si Kimneth sa kaniyang sasakyan. “Sa atin na mapupunta ang limangpung milyon.” Biglang pinatigil ni Reynold ang sasakyang ilang dipa ang layo sa magiging aksident area ni Kimneth. Papalapit na si Kimneth sa naturang bangin na may lalim na ilang daang metro. Napatingin siya sa kakalabas na Ellai at Reynold sa kanilang sasakyan. Ngumingiti pa ang dalawa habang si Kimneth ay papalapit na sa kamatayan nito. Hanggang sa isang malakas na ingay ang bumulabog sa napakatahimik na gabi. Napatakit taenga si Ellai sa malakas na ingay at sabog na bula sa sasakyan ni Kimneth. “Hindi na talaga siya mabubuhay sa ganoon,” saad ni Reynold habang nakatitig sa bangin kung saan nahulog ang sasakyan ni Kimneth na umaapoy. “May he rest in peace,” dagdag pa ng taksil na asawa ni Kimneth. Kinakain ng apoy ang sasakyan ng martir na si Kimneth at bago pa may makakaalam sa nangyari ay hinatak ni Reynold si Ellai sabay sabing, “umalis na tayo at baka may makakita pa sa atin dito.” Tumango si Ellai sabay sabing, “misyon accomplished.” At pumasok na siya sa sasakyan. Pagkapasok naman ni Reynold sa sasakyan ay pangiting sinabihan niya si Ellai, “hello fifty million pesos.” Sabay alis ng dalawang salarin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD