HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikaapatnapu’t Limang Kabanata ALAS SIETE NG gabi natatapos ang libreng gamutan sa bawat araw. Nang matapos ay nagmamadali si Sereia na hanapin sa labas ng Sports Center ang magkakapatid na sina Jecca, Kiko at Ronron. Natagpuan niya ang mga ito sa isang concrete bench at nagsasalu-salo sa biscuit at soft drink. Sereia approached the kids warmly. Sumigla naman ang anyo ng mga bata nang makita siya. “Malayo ba ang sa inyo, Jecca?” “Mga dalawang oras din po ang biyahe, Doc. Bakit po?” “Gusto n’yo bang bukas na lang umuwi?” Sinabi rito ni Sereia na ang isang kilalang Inn sa bayan ang magsisilbi nilang tuluyan sa loob ng isang Linggo. Inalok niya ang magkakapatid na sumama sa kanya roon dahil imposible nang makauwi

