HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikatatlumpu’t tatlong Kabanata DALAWANG ARAW BAGO ang nakatakdang flight nila patungong Amerika ay inanyayahan ni Drake Aronzado si Sereia sa study room ng bahay nito upang maki-sit-in habang pinupulong nito ang iilang tao na pinagkakatiwalaan nito. Sa gabi na iyon ay ipapaalam ni Drake Aronzado ang mga pagbabago sa desisyon nito na may kinalaman sa pulitika at sa karamdaman nito. Iyon ang inaasahan ni Sereia ngunit laking gulat niya dahil bagkus na ipaalam ni Drake sa mga taong naroon ang tungkol ang totoong dahilan ng pagbibitiw nito sa regional political party na kinabibilangan nito at kalakip ng desisyon nitong hindi na tatakbo sa susunod na eleksyon, ay iba ang sinabi nito. “Sereia and I are getting married,” an

