HOMBRES ROMANTICOS SERIES 6 UNLAWFULLY YOURS Ishmael Ivor Innocénti Ikaapatnapu’t tatlong Kabanata BAGAMAN AT WALA SI SEREIA nang unang araw ng medical mission sa bayan ng Sta. Elena ay espesyal pa rin siyang tinanggap ng ilang opisyales sa kanyang pagdating. They even prepared a welcome lei necklace for her na may desinyong hango sa Agong. At lalong natuwa at namangha ang mga tao sa Sta. Elena nang malaman ng mga ito na isang purong Pilipino si Sereia. “M–magandang umaga ho, Doktora.” Unang naging pasiyente ni Sereia ay dalawang magkapatid na lalaki. Ang isa ay six years old samantalang ang isa ay apat na taong gulang. Ang kasama ng mga ito ay isang dalagita na hula ni Sereia ay nasa kinse hanggang disisiyete pa lamang ang gulang. “Hello!” Nakahanda parati ang masiglang enerhiya

