"MAY MEETING tayo ngayong umaga," wika ni Raji sa kanya. "Nakapagkasunduan ng lahat na magkakaroon si Joshua ng three percent shares sa kumpanya at magsisimula siyang pumasok ngayon." "Pumayag si Samir? Akala ko ba hindi niyo gustong tumuntong si Auntie Annie sa kumpanya niyo?" "Si Auntie Annie, oo. Pero si Joshua, kailangan naming pakiharapan nang maayos dahil kapatid namin siya sa ama. Hindi niya tinanggap ang offer ni Samir na five percent dahil mas gusto niyang magtrabaho sa kumpanya." "Okay." "He will be working with you so you can watch over him. Hindi namin siya mababantayan ni Samir dahil madalas din kaming nasa meeting." "S-sige," alinlangang sagot ni Yana sa asawa. "Ire-report ko kung may nakita akong kahina-hinalang gawain ni Joshua." "Do you think he will do someth

