HINDI rin niya naiwasang hagkan ito sa labi nang mapusok at nag-aalab. Gusto niyang kalimutan na hinagkan na ito ng ibang lalaki habang kasal pa ito sa kanya. Gusto niyang isipin na sa kanya ang damdamin nito. Na tumutugon ito ngayon dahil sa idinidikta ng puso at isip nito, hindi dahil lang sa obligasyon. Yana was on fire too, iyon ang tiyak niya. Sumasabay ito sa kung paano naglalakbay ang kamay niya sa katawan nito. Ito na nga mismo ang nagpasok ng kamay sa t-shirt niya at paglakbayin iyon sa dibdib niya na nagpakawala sa pagpipigil niya. Inihiga niya ito sa kama at mabilis na inalis ang t-shirt. Nang dumagan siya dito ay sa leeg niya pinaglandas ang halik kasabay ng pagdama niya sa dibdib nito. He lost his control. Kaytagal niyang hinintay ang ganitong sandali. Ilang araw din niya

