Walang ibang tinitigan si Hanabi kun'di Liam. Ibang- iba na ang itsura nito. Mas lalong naging guwapo ito sa kaniyang paningin. Sa postura nito at ayos, hindi na niya nakikita pa ang Liam na nakilala niya ngayon. "Grabe, hindi ako makapaniwala na si Liam pala, ang mahal mo na ama ni Lawrence ang may ari ng kompanyang ito!" gulat na sabi ni Aries. Tumingin si Hanabi kay Aries. "Kailangan ko siyang makausap, Aries. Kailangan ko siyang makausap. Marami akong kailangang sabihin sa kaniya. Marami siyang kailangang malaman..." naluluhang sabi ni Hanabi habang nanginginig ang kaniyang kalamnan. Hinawakan naman siya sa kamay ni Aries. "Kumalma ka, Hanabi. Alam kong nasasabik kang makausap siya at sabihin ang lahat pero hindi puwede dito dahil alam mong hindi na siya ang Liam na nakilala mo noon

