Mahinang tumawa si Aries nang makita ang itsura ni Hanabi. Inirapan naman siya nito. "Ano? Bakit ka natatawa diyan?" nakangusong sabi niya kay Aries. "Sa tingin mo bakit? Mukhang umisa muna kayo bago nagpunta dito, ha? Hindi naman iyan ang suot mo kanina at halatang binagyo ka. Sabagay, na- miss niyo ang isa't isa kaya talagang nagpabira ka agad. Paano ba iyan, alis na muna ako, ha? Dahil hindi puwedeng ikaw lang ang lalandi ngayon. Mag- bonding muna kayong tatlo ako naman ay magpapabira din!" sabi ni Aries sabay kindat bago tuluyang umalis. Natatawa na lamang na sinundan ng tingin ni Hanabi ang papalayong si Aries. At pagkatapos ay bumaling na siya sa kaniyang mag- ama kung saan nagpalipat-lipat ng tingin si Lawrence sa kanilang dalawa ni Liam. "Mommy.... siya na po ba ang totoong dadd

