FTMBE: Chapter 2

1252 Words
MATAPOS ang matinding pagtatalo ng utak ko at ng konsensiya ko, na-realize ko na masama ang paghiwalayin ang dalawa. Malay mo, best friend ko pala ang magpatino duon sa playboy na yon. Basta, kapag sinaktan niya ang best friend ko, sorry siya. Baka kung anong magawa ko sa kanya. Hahayaan ko na lang na si Destiny ang magplano ng lahat. And i think, Destiny has a great plan. Two days na simula 'nung pinakilala ni Sarah si Jonathan sa akin, at kahapon ni hindi ko nakasama ng matagal si Sarah. Pano, lagi niyang kasama 'yong jowa niya. Tch. "Shanaiah." narining kong tawag sakin kaya napatigil ako sa paglalakad sa may gitna ng hallway, at napalingon. Nakita ko naman si James. Isa siya sa mga ex ni Sarah. Siya lang ang bukod tanging pumasa sa standard ko na naging bf ni Sarah, kahit kasi si Jonathan BIG NO para sa akin. "Bakit James? May kailangan ka?" tanong ko naman. James nodded. "Uhm, may nalaman kasi ako e." anito at mukhang nag-aalangan. Napakunot noo ako. "Ano yon?" tanong ko. Bumuntong hininga naman ito. "T-totoo 'bang si Sarah na at si Jonathan?" tanong naman nito. Halata sa boses nito ang pag-aalala. This is why i like James for Sarah. Halata kasing mahal na mahal nito ang best friend ko, sadyang manhid lang ang best friend kong yon, at wala sa katinuan dahil isang playboy ang pinatulan. I roll my eyes. "Sadly, oo ang sagot sa tanong mo." walang ganang sagot ko naman. "Nag-aalala ako para kay Sarah. Baka may kung anong pina-plano sa kanya 'yung Jonathan na 'yon. Playboy yon e." "Kaya nga. Ako din nag-aalala, pero wala naman akong magawa." sagot ko. "Try mo kaya siyang kausapin?" Umismid naman ako. "Panu ko siya makakausap? Eh kahapon nga ni hindi ko siya nakasama ng matagal. Lagi niyang kasama 'yong si Jonathan." sagot ko. "Ganun ba? Tssk. Nag-aalala talaga ako kay Sarah." Lihim akong napangiti bago tinap ang balikat niya, "Hayaan mo, magtiwala na lang tayo na magiging okay ang lahat. Basta, kapag sinaktan ni Jonathan ang best friend ko, ako ang makakalaban niya." sagot ko naman. "O'sya, punta na ako sa room. Baka nandun na din si Sarah." paalam ko naman. "Sige. Salamat. Bye." "Salamat din. Bye!" i said and wave then i turned my back at him, and continued to walk. *** PAGDATING ko sa room, wala pa rin si Sarah sa upuan niya. Nasaan na kaya 'yong babaeng iyon? Baka na-late lang. I waited for Sarah to arrive. Pero natapos na lang ang klase namin sa Politics and Governance, wala pa rin ni anino niya. Nag-aalala na ako. Hindi naman pala-absent si Sarah e, at kung aabsent man yon, magpapaalam yon sakin. Kaya nagtataka ako kung bakit wala pa siya. Lunch na. I tried to call her phone pero ring lang ng ring. I'm getting more worried. Nasan ba siya? Teka——baka naman alam ni Jonathan kung anong nangyari kay Sarah. Anong strand ba ang kinuha non? Parang STEM ata. Shems! Two buildings ang layo ng STEM department sa aming mga GAS department e. Aish! But, for my best friend's sake, walang silbi ang two buildings. Mabilis akong naglakad palabas ng room namin at nilakad takbo ang pagitan ng building namin at ng STEM. Pagdating ko duon, napahilamos ako ng mukha. Shet! Hindi ko alam ang section niya. Bakit ba naman kasi andaming sections ng STEM e. Tch. Pero, baka naman matalino 'yong lalaking playboy na yon? Tsaka naririnig ko duon sa mga babaeng may crush kay Jonathan na topnotcher daw yon nuong entrance exam. Baka section A yon. Naglakad ako sa hallway nang STEM dep. Halos lahat ay busy at may hawak hawak na papel at calcu. Mukhang may sino-solve silang lahat. Kaya ayoko ng STEM e , kasi sa pangalan palang nakakadugo na. May Mathematics kasi. Huminto ako sa unang room ng STEM na nadaanan ko. Ang alam ko, ito ang star section ng STEM. Baka naman nandito 'yong lalaking iyon. Sinilip ko kaunting puwang sa may bintana, at hinanap ng mata ko ang mukha nung Playboy na si Jonathan. At di naman ako nagkamali, dito nga ang section niya. Nasa dulo siya habang nagse-cellphone. Whut? Nagse-cellphone? Eh nasa harap 'yong teacher nila at nagdi-discuss e. Tch. Pasaway talaga. Ang alam 'ko bawal ang gadgets dito ah. Psh. Oo nga pala. Magkaiba ang bawat department ng break dahil daw masyadong madami pag nagsabay-sabay pumunta sa cafeteria. Kaya may klase pa sila. I knock at the door to catch the attention of the teacher infront. "Yes?" baling naman sakin nung teacher. Lalaki ito, at nakasuot ng salamin. Medyo may edad na din ito, pero mukha namang mabait. I smiled. "May i excuse Mr. Mendoza for awhile, Sir?" magalang 'kong tanong at paalam. Rinig na rinig ko naman ang singhapan mula sa loob. May ilang babaeng nakatingin sakin habang may pagtataka sa mukha, habang ang iba naman ay nakataas ang kilay at masama ang tinging ipinupukol sa akin. Tch. Ano bang ginawa ko sa kanila? Porke't tinawag ko lang si Jonathan ganyan agad sila. Hayst. "Mr. Mendoza?" tawag naman nung lalaking teacher kay Jonathan, na ngayonal ay tumayo na mula sa pagkakaupo at naglakad na palabas ng classroom. Sinundan naman ito ng tingin ng mga kababaihan, at pag nalilipat ang tingin nila sa akin, agad nila akong bibigyan ng death glare. Really? "What do you need?" bored na tanong ni Jonathan ng makalabas sa classroom. I smiled. 'Yong pilit. "Nakita mo ba si Sarah?" tanong ko naman. He look at me. No emotion. "Hindi." I'm shocked. "Huh? Eh alam mo ba kung nasaan siya?" He shrugged. "Diba ikaw ang kasama niya kahapon?" "Yeah." Ano ba yan. One liner? Tsssk. "Eh di nasaan siya?" "Dunno" "What? Diba boyfriend ka niya? Dapat alam mo kung nasaan siya." He stared at me then he smirked. "I'm not her boyfriend. " Nanlaki naman ang mata ko. "What? Nagbibiro ka ba?" He shook his head. "No." "Last last day, Sarah introduced you to me as her boy friend." "She's just flirting with me, and i agreed to flirt with her too. But we doesn't have a relationship. We are just flirting with each other." he said. Wow. Flirting? Napahinga naman ako ng malalim. Niloloko ba ako ng lalaking 'to? I blows a deep breath. "Wait——okaay. Wala na akong pakialam kung anong tawag dun sa inyong dalawa, pero curious ako kung nasaan ang bestfriend ko. Diba tini-text ka naman niya? Sinabi niya ba sayo kung nasaan siya?" i asked. "I don't have her number." "Ano!?" "You heard me." "Tekaaa! Nag-aalala ako sa bestfriend ko! Hindi ka ba nag-aalala sa kanya? " His emotionless eyes locked into mine. "Why would i worry for her?" he ask as if it's nothing. I remained calm kahit sa loob loob ko gusto ko nang sapakin ang lalaking 'to. "Kasi girlfriend mo siya." "She's not my girl friend." Napapikit naman ko sa inis. "Okay okay! Hindi mo siya gf pero diba nagkasama naman kayo? Kahit papano may pakialam ka naman sa kanya." ani ko naman. "Our flirting ended yesterday." Mas nanlaki naman ang mata ko. What? Shemay! Ibig sabihin ba?? Urgh! Edi panigurado na kaya hindi nagpakita si Sarah ngayon dahil nalulungkot yon! Sinamaan ko naman ng tingin si Jonathan na hanggang ngayon wala pa ring emosyon ang mukha. Ayokong magmura pero, takte! Ang g*g* niya! Sinaktan niya ang best friend ko! Paulit-ulit kong inirapan si Jonathan, at dahil sa inis napatakbo na lang ako palayo. Nakakainis! NAKAKAINIS!! YOU'LL PAY FOR IT, JONATHAN.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD