"Andrea!" gulat na wika niya sa kaibigan. "Kanina ka pa ba nariyan?" "Hindi naman, sakto lang na marinig ko mula sa'yo na binigyan mo ako ng bagong pangalan. Masarap siya sa pandinig," mapait na wika nito sa kanya. "Hindi naman sa ganoon, Andrea," wika niya rito at tangka sana itong lalapitan ngunit umatras ito. "Andrea, I'm sorry," hingi niya ng tawad dito at yumuko. "Okay lang," wika nito sa kanya pero ramdam niya na hindi okay. "Akala ko ba, Andrea ay aasikasuhin mo muna ang ibang bisita?" pagkuwan ay singit ni Sebastian. Ewan niya kung sinadya nito ang sumingit para mabawasan ang tensyon na kasalukuyan na nangyayari sa pagitan nila ni Andrea. "Iyon naman talaga ang gagawin ko kanina. Papunta na nga ako sa ibang guest at relatives namin nang makita ko ang yakapan niyo. Na-curious

