Fifteen years ago: Pampanga, Integrated School "Hayan na siya, Red!" tumitiling wika ni Zaira, ang isa sa classmate niya. Hindi pa rin nito ikinukubli ang labis na paghanga kay Gerald Reyes. Vacant subject nila dahil wala si Mrs. Cruz, ang English teacher nila. Niyaya siya ni Zaira na manood ng practice ng basketball ng mga college students sa kabilang covered court ng eskwelahan. Wala sana siyang balak samahan ito ngunit hinatak siya nito. Napilitan na siyang sumama rito. Habang patungo sila sa covered court ay nagsimula ng magkwento ang kanyang class mate tungkol sa bago nitong crush. Pabago-bago ito ng crush. Sa dami ay hindi na niya kilala. Ngayon nga ay bago na naman. Gerald Reyes daw ang pangalan at isa itong player ng basketball. College students na pala ang Gerald na tinutukoy ni

