Drexler's POV Napansin kong parang iniiwasan na naman ako ni Andy nitong mga nakaraang araw kaya naisipan kong kausapin siya ngayong uwian. Nang idismiss na ng adviser namin ang klase ay nagmadali siyang lumabas ng room. Napatingin sila Louise at Maddie sa akin. Kaya nga agad din akong lumabas ng room at hinabol si Andy. "Andy!" tawag ko. Pero hindi siya tumigil. "Andy! Saglit!" sigaw ko at saka agad hinablot ang braso niya nang maabutan ko siya. Kaya nga napahinto siya at lumingon sa akin. "May nagawa na naman ba akong mali?" tanong ko. Hindi naman kasi ako tanga para hindi mapansin na iniiwasan niya na naman ako. Hindi siya sumagot sa tanong ko kaya nagsalita ulit ako. "Andy...please. Tell me." sabi ko at hinawakan ang pisngi niya para lumingon sa akin. Pero iniwas niya ang tingin

