Eirol's POV Nasa emergency room pa rin si Maddie at ang Papa niya kaya wala kaming magawa dito kung hindi maghintay. Pero dahil lumalalim na ang gabi ay pinauwi na kami ng parents ni Maddie at bumalik na lang daw bukas. Kaya nga napagdesisyunan na lang naming umuwi muna at magpaalam na. "Hindi natuloy ang flight mo, brad?" tanong ni Drex nang makalabas kami sa may parking lot. Napatingin din naman sa akin sila Louise dahil doon. "H-Hindi ako tumuloy." sagot ko kaya napatigil sila. "So, you mean iniwan mo ang girlfriend mo doon sa airport?" tanong ni Louise. Napabuntong hininga naman ako. Hindi pa din ako makapaniwala na nagawa ko iyon kay Eliz. I'm sure galit siya sa akin ngayon sa pag-iwan ko sa kaniya doon sa airport ng walang pasabi. Anong magagawa ko? Hindi ko napigilan ang sarili

