Drexler's POV Biglang pagbawi kay Andy naisipan ko siyang dalawin sa kanila. Lalo na kapag may free time naman ako ay hindi ko nakakalimutan na pumunta sa kanila. Pagkapindot ko ng doorbell ay agad lumabas si Tita Helena. Nakangiti niya akong sinalubong at pinagbuksan ng gate. "Hello, hijo. Ang tagal mo ding hindi nakadalaw ah?" nakangiti nitong sabi sa akin. "Opo, tita. Nagkaroon lang po kami ng hindi pagkakaintindihan ni Andy nitong nakaraan kaya hindi na po ako napapadalaw dito." sagot ko. "Sorry nga pala at hindi namin sinabi sa iyo agad ang tungkol sa sakit ni Andy ha? Ayaw lang naman kasi naming pangunahan ang desisyon ni Andy. Saka relasyon niyo naman kasing dalawa iyan." sabi ni Tita. Napatango na lang ako. "It's okay po, Tita. Naiintindihan ko po. Basta ang mahalaga po ngayo

