Gian's POV "Again? Lagi na lang ba akong magiging bodyguard ng maldita na yan?" taas kilay kong sabi. Gusto din kasi ako pasamahin ni Dad sa Ilocos bukas kila Maddie para daw mabantayan ulit ito. Tss. Gaya nung sa Miami. "As if naman gusto kitang kasama." mataray na sagot ni Maddie. Kaya inignore ko lang siya. "Why not Gian? Kasama din naman ang mga kaibigan mo. Think of it as a vacation." sabi ni Dad. Oo nga kasama naman sila Ethan pero hindi kasi talaga ako mahilig magtravel. Bakit ba kasi ang gala ng mga ito. Ang daming alam. "Okay fine. But I should come with Elaine this time." sabi ko. Tutal, naman kasi sa Pinas lang naman kaya pwedeng-pwede ko siya maisama. "Ano?! Bakit mo isasama iyon? Sira ka ba?" bulalas ni Maddie. "Bakit? Girlfriend ko siya eh. Dapat lang na isama ko siya.

