Eirol's POV Nang makita ko na ang gitara ko na nasa ilalim ng kama ko ay agad ko itong kinuha. Hindi ko kasi ito nadala sa Miami. Nang ilabas ko ito sa case ay sinimulan ko na itong linisin. Mamaya lang kasi pupunta na sila dito para sa rehearsal. Dito kasi nila naisipan na magpractice kami para sa battle of the bands dahil tutal tahimik dito at wala ang parents ko. Napatigil ako sa paglilinis ng gitara ko nang biglang may makita akong tela sa loob ng guitar case ko. Nang kunin ko ito, napagtanto kong damit ito. Nang iladlad ko ito ay bumungad sa akin ang isang blue jersey. Nang tignan ko ang likod nito ay nakita ko ang numero'ng 28 at ang isang surname. Which is Dimaculangan. Kumunot naman ang noo ko. Wala akong matandaan na may jersey akong ganito. Saka ang liit nito sa akin. Mukhang s

