"Kumusta nama ang honeymoon niyo sa New York?" Makahulugang tanong sa kanila ng Mama ni Nico nang magtungo sila sa bahay ng mga magulang ni Nico, para mag dinner, biglaan nga ang pagyayaya ng mga magulang ni Nico, buti na lang wala naman silang planong mag asawa, kaya nakapunta sila agad. "Nakabuo na ba?" Tumatawang biro ng Papa ni Nico. Naramdam niya ang pag init ng magkabilang pisngi niya, paniguradong pulang-pula na siya ngayon, lalo pa ng sulyapan siya ni Nico. "Ikaw nama honey, isang linggo pa lang naman sila," sabi pa ni Mrs. Rodriquez. "Anong malay mo, si Nico nga din nabuo natin siya noong mag honeymoon tayo," tumatawag sabi naman ni Mr. Rodriquez. Nakangiti naman si Nico na mukhag gustong-gusto ang topic nila. Pasimple pa siya nitong hinaplos sa hita. "Tignan mo ang pisngi

