Pagmulat niya ng mga mata ang Daddy niya ang una niyang nakita na nakaupo sa tabi ng kamang kinahihigaan niya. Gumalaw siya ng bahagya kaya napalingon sa kanya ang ama. "Atasha," tawag sa kanya ng ama. "Dad," tawag din niya sa ama na mangiyak-ngiyak pa. "May malay na si Atasha," narinig niya ang tinig ng Mama ni Nico. Doon palang niya napansin na nasa loob din pala ng silid ang mga magulang ni Nico. Agad na lumapit ang mag asawang Rodrqiuez sa kanya, kinumusta ang pakiramdam niya. Nawalan siya ng malay kanina dahil sa mga nangyari sa kanya, sa pagtatangka ng masama sa kanya ni Joey, pati na ang pagsaksi niya kay Nico na kaya nitong pumatay para sa kanya, halos mapatay na kasi ng asawa niya si Joey sa kakasuntok, buti na lang ang dumating na ang mga pulis at tumigil na si Nico sa pagsun

