Atasha-45

1505 Words

Kinabukasan nagising siyang masakit ang buong katawan at mabigat ang ulo. Hindi nga niya kayang ikilos ang katawan sa sobrang bigat. "Aray ko, ano ba ang nangyari kagabi bakit ganito kabigat ang ulo ko? Nakarami ba ko ng inom?" Bulong na tanong niya sa sarili. Mapait na laway din ang nalasaan niya. "Damn, walang duda na nalasing ako," mura niya at dumapa sa kama. Pilit inaalala ang nangyari kagabi, wala siyang maalaa, kundi ang nagtungo sila sa party ni Ronnel, ay umeksena si Shopia sa kanila ni Nico habang sumasayaw. Maraming sinabi si Shopia na naaalala naman niya, tungkol sa kanila ni Nico, pero pagkatapos na malabo na ang lahat sa ala-ala niya. "Paano ako nakauwi? Binuhat ba ko ni Nico?" Bulong na tanong niya. "Kainis bakit ba wala akong maalala!" Hiyaw niya habang salo ang ulo.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD