"Tama ang desisyon mo, Atasha, mas maigi ng magpakasal ka kay Nico at manatili ka na lang dito sa San Miguel," tugon ng Daddy niya. Sa bagay na pag stay niya ng San Miguel, siya pa rin naman siguro ang magdedesisyon sa bagay na iyon. Pwede naman niyang pakasalan si Nico, saka siya muling bumalik ng New York. "Dad," tawag niya sa ama. Ngayong payag na siya nais niyang siya ang magsabi mismo kay Nico sa desiyon niya. Nais din niyang wala munang ibang makakaalam, nais niyang mapagusapan muna nila ni Nico kung paano ang magiging set up nila. "Ano iyon, Atasha?" Tanong ng ama na naghihintay sa sasabihin niya. "Hayaan niyo po ako na ang magsabi kay Nico sa desisyon ko, nais ko rin po sanang wala munang makakaalam tungkol sa bagay na ito, Dad," paliwanag niya. Tumawa ang ama, tawang totoo

